Hindi lubusang makapaniwala ang OFW na si Sally Niesalie Asuncion Viernes sa kinahinatnan ng kanyang bahay sa Barangay Yeban Norte, Benito Soliven, sa lungsod ng Isabela.
Matapos nga niyang malaman na kasama sa pagguho ang kanilang matagal na ipinundar na bahay. Samot saring emosyon ang kanyang naramdaman sa pagaakala na matitirahan pa nila ito ng kanyang Ina na naging Ofw rin sa matagal na panahon.
Sa kanyang ibinahaging post sa socmed, hindi pa umano natirahan at nakita nang personal ni Viernes ang nasabing bahay. Hindi lang man niya ito lubusang natirahan bago man lamang tuluyang masira dulot ng pagguho ng lupa.
Mahirap man tanggapin ang nangyari nagpapasalamat pa rin si Sally at ang kanyang Ina na walang nasaktan sa kanilang pamilya.
Basahin ang kanyang pahayag sa kanyang FB post,
"Ayaw ko sanang ipost pero nakakalungkot kahirap bumangon kapag ung mga magpundar mong pinaghirapan galing abroad ganito mangyari. Nasa kalagitnaan plng ng pagpatrabaho pero ganito na. Nakapabobida at tiles nakapabakod na din na Kng baga bahay na tlaga pwedeng ipagmalaking bahay na.
"Sa mga nagtatanong YES po kasama bahay mamin sa pitong bahay na nasira at dna pakikinabangan kelan man. Dina marerenovate kelan man kasi mga lupa bumuka ,inangat at Dina pantay. Dina pwedeng tirhan. Buti na lng Wala png ulan baka pag Meron lalo na. Sa mga nagtatanong sa inbox ko Wala po ako ganang mag reply pero salamat sa pag aalala.
"Sa mga nagtatanong Hindi landslide.bumuka Ang lupa sa kabahayan na kumonekta n din daw sa bundok kaya may landslide konti. Walang ulan. Walang lindol.
"Pray for our safety at lahat tayo sa Purok barikir di man kau masiraan nangnganib din po kau. Sana Dina magtuloy tuloy para dipa madamay ibang bahay n malalapit."
Ayon pa kay Sally, isa siyang single mom at sobrang hirap na ang pinagdaanan nya sa pagkayod sa abroad para lang makapagpatayo ng maayos na bahay para sa anak niya.
"Ang hiraaaap po guhong guho Ang Mundo ko. Doble kayod ginawa namin Ng nanay ko ofw online seller. Para magkaroon ng matatawag na medyo maayos na bahay. Pero totally nabura sa isang iglap."