FollowLike

Sanya Lopez, Sinariwa At Ikinwento Ang Mga Pinagdaanang Hirap Kasama Ang Kapatid Na Si Jak Roberto

Isa si Sanya Lopez ngayon sa mga iniidolo ng karamihan pag dating sa mahusay nitong pag arte sa mundo ng showbiz.

Si Sanya Lopez ay kilala sa totoo nitong pangalan na "Shaina Lenn Osuna Roberto", kung saan nag dadala ito ng pangalan bilang Sanya Lopez sa showbiz na siyang labis na hinahangaan dahil sa seksi nitong katawan at pati na rin sa taglay nitong kagandahan.

Hindi lang sa kagandahan at hubog ng katawan kilala ang aktres, kasalukuyan natin siyang napapanood sa GMA teleseryeng "First Yaya".

Dahil na rin sa pag husay nito sa pag arte mas lalo pang hinangaan ang aktres. Kabilang sa kanyang mga leading man ay si "Gabby Concepcion" sa teleserye nitong "First Yaya" at pati na rin ang batikang aktor na si Bong Revilla sa fantaserye na "Agimat ng Agila".

Dahil sa pagpupursige sa pag akting malayo na rin ang narating ng aktres. Isa na rito ang pagpapatayo niya ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.

At kahit pa marami nang dumadating na proyekto hindi naman nakalimot ang aktres sa dati nitong buhay.

Isa sa naging katuwang ni Sanya ang kapatid nito na marami na rin ang narating na si Jak Roberto. Isa si Jak Roberto sa mga kinagigiliwan ngayon sa Kupuso Network.


Marami man ang hamon sa buhay ang hinarap ni Sanya, hindi naman siya binigo ni Jak na tulungan at sabay nilang hinarao ang ano mang hamon ng buhay.

Kinwento naman ni Sanya ang karanasan nila ng kanyang kapatid, dati naghahati lang sila ng pagkain ni Jak.

Tanging pancit canton lang ang kanilang pagkain at hahatiin pa nila ito kasabay ng P4 na inumin na mabibili lang sa mga panahon na iyon.

Ito naman ang naging rason na manatili sila sa kanilang paa, ano man ang nararating nila sa ngayon. Naging inspirasyon naman ito sa karamihan ang pagtitiwala at pagtutulungan ng mga mag kapatid.

Post a Comment

Previous Post Next Post