FollowLike

South Korean actor Lee Joon Gi reacts to Philippine adaptation of Flower Of Evil


Ikinatuwa ng Pinoy Korean drama fans nang magbigay ng maiksing mensahe ang South Korean actor na si Lee Joon Gi sa kanyang Instagram account patungkol sa ginawang Philippine remake ng kanyang acclaimed drama series na “Flower of Evil.”

“I heard about this! from my Phillipines family. Yea! I will check this out. And it will be great. Very happy to see you guys,” wika ng actor sa kanyang post kasama ng litrato ng poster ng “Flower of Evil” Philippine at Korean version.

Maging ang mga babaeng cast ng Pinoy adaptation na sina Lovi Poe at Denise Laurel, na aminadong nananalaytay sa kanilang mga dugo ang pagiging Kdrama fan, ay kinilig at nagkomento sa nasabing post.

“MY HEART ♥️♥️. You and the whole cast gave such a powerful performance that people all over the world wanted to make adaptations of the show,” ani ni Lovi, na gumanap sa female lead role na orihinal na ginampanan ni Moon Chae Won.

Nagkomento naman ng dalawang purple hearts ang aktres na si Denise Laurel sa post ng Korean actor.

Ang Flower Of Evil Pinoy remake ay pinagbibidahan ni Piolo Pascual at Lovi Poe. Kabilang sa mga bigating cast ay sina Paulo Avelino, Denise Laurel, Joross Gamboa, Joem Bascon, JC De Vera at mga beteranong sina Edu Manzano, Agot Isidro, Pinky Amador at Rita Avila.

Samantala, gising na ang totoong Jacob del Rosario (Paulo Avelino) matapos ang ilang taon niyang naka-coma sa “Flower of Evil.” Sa pagpasok ng kanyang misteryosong karakter, mas maraming mga sikreto ang mabubunyag na maaaring ikapahamak ng mag-asawang Daniel (Piolo Pascual) at Iris (Lovi Poe) dahil sa pagkasangkot nila sa isang murder case. 

Tutukan ang “Flower of Evil” sa Viu kada Huwebes at Biyernes ng 8 PM at sa Kapamilya Channel, A2Z, at Jeepney TV kada Sabado at Linggo ng 9 PM.

Post a Comment

Previous Post Next Post