Ibinahagi ng isang netizen ang nangyari sa kaniyang sasakyan kung saan ay nabangga ng isang jeep na pagmamay-ari ng matandang lalaki kahapon lamang sa Tuguegarao City, ika-16 ng Hunyo, taong kasalukuyan.
Kinilala ang netizen na si Francis Anthony V. Semana.
Noong siya raw ay nasa BPI Caritan, mayroon daw sasakyan na nag-park sa likod ng kaniya ring sasakyan. Iniwan daw nito ang sasakyan upang mag-withdraw sa banko. Sa kasamaang palad daw ay walang handbreak ang jeep ng matanda at bumangga sa likod ng kaniyang kotse.
"Nagpark si manong sa likod ko at iniwan ang sasakyan para mag withdraw. Walang handbreak so bumangga siya sakin," paglalahad ni Francis.
Pinuntahan niya raw ang matanda sa ATM; ka-wi-withdraw lamang daw nito at may hawak na pera. Tinanong niya raw ang matanda kung wala raw bang handbreak ang sasakyan nito at sinabi niya na ring tinamaan nito ang kaniya namang kotse.
Paglalarawan pa niya sa matanda, "Ninenerbyos at luma pa ang plaka". Nanghingi raw ito ng pasensya at hindi raw nito alam na nabangga. Namumutla na rin daw ito at nanginginig na.
Pagsasalaysay ni Francis sa mga sumunod na nangyari:
"Ako: Kuya, taga saan po ba kayo?
Manong: Taga Iguig pa ako. Pasensya kana tlga.
Ako: Hinagod ko ang likod niya. maliit lang yan manong. Pag nahighblood kayo. Mas malaki ang gastos. Hayaan niyo na. Wala naman nangyare sakin. Buhay tayo parehas. Ingat na lang po kayo sa byahe."
Matapos ang nangyaring usapan, nang umalis ang matanda, bumusina raw ito at kumaaay palayo.
"Ung mga maliliit na bagay na pwede naman idaan sa magandang usapan. Ganun na lang. Palipasin na lang. Andami daming problema ngayong pandemya. Wag idaan sa init ng ulo. Spread Love guys." Sabi pa nito.
Labis naman ang paghanga ng mga tao sa ginawang ito ni Francis at inulan din ng papuri ang huli, sapagkat sa panahon ngayon, bihira na lamang ang mga taong ganito.