FollowLike

Lolit Solis, aminadong maraming napipikon sa kanya: “parang relevant na relevant ako”

- May pag-amin ang kilalang showbiz icon na si Lolit Solis na marami pa rin ang napipikon sa kanya kahit matanda na ito

- Ibinahagi rin niyang sana raw ay makapag-social media detox ito nang isang Linggo 

- 'Tamad-tamaran' na nga raw ang feeling niya dahil tanghali na ito bumabangon at iba na ang kanyang 'body clock' na dating kinagawian

May chika ulit ang kilalang icon ng industriya ng showbiz na nagsisiwalat ng mga tsismis ng ilang kilalang artista ng ating bansa. Ngayon naman, ibinahagi ni Lolit Solis na sana raw ay makapag-social media detox na ito kahit isang linggo. 

Aniya, kaya raw hindi natuloy ang pagso-social media detox niya ay baka raw akalain ng ilan na nagtumpay sila upang 'mapaalis' si Lolit sa Instagram. Kaya naman dali-dali itong nagsulat ng panibagong Instagram post. 

“Alam mo ba Salve na sana nga mag social media detox ako for a week? Pero baka isipin ng mga kalokang group na nagtagumpay sila na mapaalis ang IG ko kaya bigla akong gumawa ng text para sa IG, hah hah hah.” pagku-kuwento niya kay 'Salve'. 

Tila nakakaloka nga rin daw dahil kahit may edad na siya ay marami pa rin siyang napipikon na mga netizens sa social media at feel-na-feel niya ang pagiging 'relevant' nito. 

Hindi rin niya nakalimutan ichika ang pagiging “tamad-tamaran” niya habang tumatanda siya. Iba na nga rin daw ang body clock niya sa dating kinagawian kaya naman tila naninibago ito. 

“Naloloka na nga ako na sa edad na 75 meron parin napipikon sa akin, parang relevant na relevant ako. Sa tutoo lang, dahil nga siguro tanda na ako medyo tamad-tamaran na ang feeling ko. Tanghali na ako bumabangon, eh dati 6 ng umaga very energetic pa ako, now iyon body clock ko ayaw ng gumana sa ganuon oras kaya almost 7 ako tumatayo, hindi pa gising utak kahit 8 na ng umaga.” ayon kay Lolit. 

“Talaga pala slow down na physically katawan mo at mentally tinatamad ka pag ganitong edad na. Buti na lang Salve nandiyan kayo ni Gorgy, at least taga remind ng mga dapat kung gawin.” dagdag pa ng entertainment host. 

Dugtong pa niya sa mahaba-habang caption, ayaw niya raw maging masaya ang mga followers ng isang star kaya naman hindi pa siya nakakapag-pahinga sa Instagram. Sinong 'star' naman kaya ang tinutukoy ni Lolit? 

“Kaloka, kundi lang baka tumalon sa tuwa mga grupo ng mga bobitang followers ng isang may pagka bobita din star, baka sana rest muna ako sa IG. Pero ayaw ko silang mag enjoy noh, heto IG parin ako, hah hah , kill joy talaga.” ani Lolit.

إرسال تعليق

أحدث أقدم