FollowLike

Cristy Fermin, may mainit na ibinuking sa hiwalayan ni Diego at Barbie: "dapat tanggapin niya na..."

- Kinontra ni Cristy Fermin ang sinabi ni Barbie Imperial na wala umanong hidwaan na nangyari sa pagitan nila ni Diego

- Kwento pa niya, mayroon daw siyang source na malapit sa mag-inang Teresa't Diego kaya naman alam niya ang nangyari sa relasyon nila

- Sinabi rin niyang sana raw ay matanggap ni Barbie na ang tunay daw nakipaghiwalay at umalis ay si Diego

May panibagong chika na naman ang kolumnistang si Cristy Fermin sa dating magka-relasyong Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa kanyang entertainment vlog na 'Cristy Ferminute' sa YouTube. 

Kinontra niya kasi ang sinabi ni Barbie na walang masamang nangyari sa kanila ni Diego bago naganap ang kontrobersiyal na hiwalayan. Ayon kasi sa aktres na panayam sa kanya para sa "The Goodbye Girl," na maayos ang break up nila ng kapwa aktor.

“We broke up na, break na kami. Hindi naman siya bad breakup. Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay. I think it’s for the better naman. And even si Diegs naman alam niya naman ‘yon na parang marami pa kaming kailangang matutunan at kailangan pa namin na mag-grow apart,” sabi ni Barbie.

Ngunit sa vlog ay ikinuwento niyang may source siya sa pagitan ng mag-inang Teresa at Diego Loyzaga kaya naman alam niya ang tunay na nangyari sa kanila ni Barbie. Sinabi rin niyang si Diego ang nang-iwan sa aktres.

“’Di ba may binanggit si Barbie, si Barbie Imperial, kailaman daw kapag siya ay nakipag-break, hindi siya nakikipagbalikan? Mayroon siyang binaggit na ganu’n sa interview, ‘di ba? Nabasa ko rin ‘yun,” pagku-kuwento ni Cristy.

“Siyempre bilang babae, sasabihin niya ‘yun, ‘di ba? Kapag siya’y nakipaghiwalay, hinding-hindi na siya nakikipagbalikan. Tama din naman ‘yung kanyang opinyon. May mga babae talaga na hindi na nakikipagbalikan oras na nasaktan.”

“Pero sa kaso nila ni Diego, dapat tanggapin niya na siya ang iniwan, ‘di ba? Siya ang iniwan ni Diego, nagpunta ng America si Diego nang hindi kagandahan ang kanilang paghihiwalay," pagsisiwalat ng kolumnista.

Hindi rin nakaligtas si Barbie sa sinabi nitong mamahalin muna niya ang sarili niya na pinag-usapan ni Cristy at co-host nitong si Romel. “Hindi ba dapat naman talaga na sa pakikipagrelasyon, hindi mo itotodo ang lahat? Hindi mo ibibigay ang lahat para sa susunod mayroon ka pa ring huhugutin at ibibigay sa lalaking magmamahal sayo."

“Ganon talaga dapat. Una mong mahalin ang sarili mo. Dahil kapag wala kang iniwan sa sarili mo, wala ka ring maibibigay sa iba. Una munang mahalin ang sarili para sa susunod may naiiwanan pa na pupwedeng ibigay sa karelasyon na susunod sa nawala.” wika ng host.

Post a Comment

Previous Post Next Post