FollowLike

Pia, game lang kahit nasaktan na; Piolo humanga dahil dito: “Napakasarap...”

- Inamin ni Piolo Pascual na humanga siya sa katambal nitong si Pia dahil game na game pa rin ito kahit nasaktan

- Bigay todo naman daw ang beauty queen kahit nagkaroon ng ilang mga aberya sa set ng bago nilang sitcom

- Napakasarap naman saw kaeksena ni Pia dahil kahit nasugatan ay nainda niya ang sakit na nararamdaman

Napabilib ang Kapamilya hunk actor na si Piolo Pascual sa Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa muli nilang pagsasama sa isang proyektong inihanda sa kanila ng ABS-CBN Entertainment.

Si Pia Wurtzbach ngayon ang bagong katambal ni Piolo sa inaabangang sitcom na "My Papa Pi" na ilalabas na ngayong Marso. Talagang humanga naman daw siya kay Pia dahil kahit ilang aberya pa ang nangyari ay bigay todo pa rin ito.

“We were worried kasi nung pagpasok niya nakapag one day na kami pero she went straight into the character,” ayon kay Piolo Pascual.

Sabi pa ng aktor, tila nagpapalakpakan pa sila sa set dahil game na game si Pia pagdating sa mga eksena. May isang pagkakataon pa nga raw na nasugtan ang beauty queen sa bandang tuhod nito ngunit napabilib sila dahil kinaya ito ng Pia.

“May sugat siya, so kumbaga she let her hair down, ibinigay nya dito. Napakasarap kaeksena” ani Piolo.

Nauna nang in-announce ng ABS-CBN noong Setyembre na may pagbabalik proyekto ang Kapamilya star ngayong taon. Nito lang nakaraang araw ay ibinida na ng Star Creatives, ang drama unit sa likod ng "My Papa Pi" ang isang teaser ng nasabing programa.

“Bawal malungkot ngayong darating na March dahil aarangkada na ang SWEETCOM na talaga namang magpapa-smile at magpapa-kisay sa buong sambayanan!” mula sa teaser.

Wala pa namang opisyal na pahayag ang Kapamilya Network kung saang channel ito mapapanood gayundin kung makikita rin ba ito sa iWantTFC at ilan pang streaming sites.

Post a Comment

Previous Post Next Post