FollowLike

Chad Kinis, ginawan rin ng bersyon ang viral video ni Angelica laban sa mangungutang: “Naku, don't me!”

- May sariling bersyon na ginawa ang Kapamilya comedian na si Chad Kinis sa nag-viral na video ni Angelica Panganiban

- Sa kayang video, may patama siya sa mga taong hindi nagpaparamdam ngunit nakikita lang kapag nangungutang

- 'Yung iba pa nga raw ay may ibang palusot upang makakain lang ng Samgyupsal

Alam na alam na raw ni Chad Kinis ang mga estilo ng pangungutang ng tao base sa kanyang video kung saan ginawan niya ng kanyang sariling bersyon ang viral video ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban hinggil sa mga 'magnanakaw' at 'sinungaling'.

May bentang punchline pa nga siya sa mga taong utang nang utang ngunit nawawala kapag kailangan nang magbayad. “Naku, naku, naku, naku, naku! Don’t me!” nakakatawang patama ni Chad.

Pagsisimula ng komedyante, nabiktima ka rin na raw ba ng mga taong bumabati tapos bilaang mangungutang? “Nabiktima ka na ba ng ‘Pre, kumusta?’ ’Yung akala mo naalala ka lang nila? ’Yung iba nga sasabihin pa sa ’yo, ‘Uy, bro, tol, sis, mars.’ Biglang, ‘Baka naman?’”

Tila kabisado na nga daw niya ang ginagawang estilo ng ilan kaya, “Mmmmm…Naku, naku, naku, naku, naku… Don’t me. Alam ko na ang modus na ’yan. Malamang, meron lang ’yan silang kailangan. Ilang buwang ’di nagpaparamdam tapos biglang mangungutang?”

“Kesyo kailangang-kailangan at ang daming dahilan. Ito naman ako, dahil kaibigan ko, dalang-dala ako sa sobrang awa. Awang-awa ako.”

“Siyempre, matagal ko nang kilala, e. Sobrang close nga kami. Pati ang bra’t panty n’ya ako na ang naglalaba. Naging sunud-sunuran pa nga ako na parang aso,” hirit pa ni Chad.

Nagugulat pa nga raw siya na maraming 'kadramahan' ang ilan tapos makikita sa social media na kumakain ng Samgyupsal, sigaw pa ng komedyante.

“Humihiram daw para pang-aral tapos malalaman ko pinangkain lang ng Samgyupsal. Nag-post pa. Tapos sabi, ‘#Blessed.’ Wow! Ang bilis naman n’yang nakalimot.” 

“Tapos nu’ng nagkita kami, binati ako na parang Koreano. Sabi n’ya, ‘Annyeonghaseyo.’ ‘Annyeong akin? Annyeong akin? ’Yong utang mo!’ Tapos biglang umalis. Annyeong-inamo!”

“Ang daming nagsisinungaling para lang makautang. ’Yung iba nagpapaawa, kailangan daw ng pangpa-check up. Pero nu’ng nakuha ’yong pera, aba! Nag-check-in kasama ang dyowa,” nakakatawang reklamo niya pa. 

Dagdag pa ni Chad sa kanyang mahabang saloobin, “Yung iba wala na daw maisaing. Tapos malalaman mo biglang nag-outing. Doon pala magsasaing sabay kain sa dahon ng saging. 

“’Yong iba lalapit sa ’yo, iyak nang iyak kasi ’tong negosyo daw nila bagsak na bagsak. E, pa’nong hindi babagsak, e, talpak ka nang talpak. Tapos lalapit ka sa akin para mangutang ng pamusta? Hinayupak!”

إرسال تعليق

أحدث أقدم