FollowLike

Julia Baretto may hugot sa pag-ibig: “Love that doesn’t include honesty...”

- Naintriga ang mga netizens sa pinost ni Julia Baretto na isang quote patungkol sa pag-ibig

- Makikita kasing naka-highlight ang isang love quote na tila hugot

- Nagmula ito sa libro ni Alex Michaelides na may titulong “The Silent Patient”

Tila puzzle na sino-solve ng mga netizens ngayon ang usap-usapang Instagram story ni Julia Baretto na isang love quote na mula sa libro ni Alex Michaelides.

Sa kanyang story kasi na pinost niya nito lamang February 12, makikita roon ang isang pangungusap na naka-highlight sa librong "The Silent Patient."

"Love that doesn’t include honesty doesn’t deserve to be called love." ang kapansin-pansing quote mula sa nasabing Instagram story ng dalaga.

Agad naman itong nai-repost sa iba't-ibang social media sites kasama pa ang isang account sa Twitter na may username na @ShowbitzAndMore.

Palaisipan pa rin sa ngayon kung ang quote nga ba na ito ay maihahalintulad ngayon sa love life ni Julia Baretto kasama si Gerald Anderson.

Post a Comment

Previous Post Next Post