FollowLike

Isang writer, binanatan si Juliana: “you should not invalidate other people's sufferings.”

- May pa-“open letter” ang dating ABS-CBN writer hinggil sa viral “stupid” video ni Juliana Parizcovia Segovia

- Ayon sa writer, malaking sampal sa mga 'working class' ang pagsasabi nila na 'stupid' ang nagtatrabaho ng mahigit 18 hours a day

- Sana nga raw ay 'proud' pa rin ang mga kakilala ni Juliana dahil sa pagpupursigi nito kahit bina-bash na ito ngayon

Naglabas ng matinding saloobin ang isa sa mga writers dati ng ABS-CBN kay Juliana Parizcovia Segovia dahil sa viral video nito na sinasabing "stupid" ang mga taong nagtatrabaho ng mahigit 18 hours a day. 

Kilala ang writer na si Gian Carlo Isidro na humawak rin ng episode ng Magandang Buhay kung saan si Juliana ang guest ng programa. Sigaw ni Gian, proud daw siya noon sa komedyante dahil pinaghirapan nila i-shoot ang nasabing episode. 

Pagsisimula ng writer, “An open letter to Juliana Parizcova Segovia: Juliana, Naalala mo noong bagong panalo ka sa It's Showtime bilang Ms. Q and A? That was 2017, I think. Nag-guest ka sa iba't-ibang shows sa ABS-CBN para mas makilala ka pa ng mga tao. I was the writer assigned sa episode mo when we featured you sa Magandang Buhay.” saad niya bago niya ikwento nang buo kung paano nila pinaghirapan ang Magandang Buhay episode ni Juliana. 

Ayon pa sa kanya, “Nagpunta tayo sa bahay mo sa Pasay, inikot natin yung hometown mo. Nagpunta sa school mo, may pa-parada pa nga kami para sa'yo. Proud ako sa episode na 'yun dahil pinaghirapan namin buuin yun ng team namin.” 

“Imagine, mula umaga nagpe-prepare na ako ng boards and scripts para sa hosts. Pumullout kami ng maaga papuntang Pasay para i-ready lahat ng ish-shoot. Gabi na nga tayo natapos sa shoot eh 9PM, kasi sa dami ng ganap. Malaman yung kwento mo, makaka-relate ang maraming tao. Narinig din namin yung kwento ng nanay mo, mga kaptibahay mo, mga former teacher mo. You made them proud sa pagpupursige mo sa buhay. Sana hanggang ngayon proud pa rin sila sa'yo.” 

“Noong natapos yung shoot, di pa ako umuwi nun. Bumalik ako sa ABS para i-preview yung buong shoot at i-transcribe yung materyal, para makapaglabas ng script at pwede na ilatag sa editing. Sa kabila ng pisikal na pagod, kailangan ko pa rin makapag-isip para masulat ng maganda yung episode. Yung tatagos sa puso ng audience yung mga salita. Di ko na nga maalala kung ilang kape nainom ko nun matapos lang yun. If my memory serves me well, madaling araw na ako nakauwi.” hirit pa ng Kapamilya writer. 

Sana ay hindi niya makalimutan ang episode na 'yun dahil ang ganda-ganda ng kwento patungkol sa kanya, “Ang ganda ng episode na 'yun. It's a perfect story that shows how hard work pays off, how hard work will get you to where you want to be. Inspiring enough to move the audience.”

Pagbabahagi pa ni writer, “Sana hindi mo nakakalimutan 'yun. Dahil if working for more than 18 hours a day is "stupid" well I guess wala ka kung nasaan ka man ngayon. If people working for more than 18 hours a day are "stupid" then you have to check your privilege na meron ka na siguro ngayon na wala ang ibang mga tao just to make ends meet.”

“The hell I care sa kandidatong sinusuportahan mo, you do you, choice mo 'yan. But you should not invalidate other people's sufferings. That's a big insult to the working class. Just because umaambon lang sa Pasay, doesnt mean hindi malakas ang ulan sa Bulacan.”

Sa pagtatapos Gian, may pahabol pa siyang hashtag kung saan sinasabi niyang siya si 'Lenlen' na tinawag na stupid sa video nina Juliana ng VinCentiments. 

“Sincerely, isang hamak na writer na nagta-trabaho ng more than 18 hours a day na imbes nagsasaya ngayong Sabado ay nagta-trabaho pa rin dahil kulang ang 24 oras sa isang araw. #AkoSiLenLen”

Post a Comment

Previous Post Next Post