FollowLike

Bela Padilla, pasok sa bagong Vivamax film kasama si Zanjoe Marudo at JC Santos

- Matutupad na ang pangarap ni Bela Padilla na maging isang direktor ng isang pelikula kasama si Zanjoe Marudo at JC Santos

- Ipapalabas ang kanyang pelikulang "366" na ipo-produce ng Viva Films at malapit nang mapanood ngayong 2022 sa Abril

- Naikumpara rin siya kay Coco Martin na isang aktor, scriptwriter, at direktor at sinabing malayo pa ang agwat nila ng Kapamilya star.

Malapit-lapit nang matupad ang isa sa pangarap ng Kapamilya actress na si Bela Padilla nang ibinuking niya mismo na sasabak siya sa isang pelikula bilang isang direktor kasama ang kapwa-Kapamilya nitong si Zanjoe Marudo at JC Santos.

Ang "366" na pamagat ng pelikula niya ay ipo-produce ng Viva Films at mapapanood sa kanilang streaming site na Vivamax sa Abril. Mag-isa namang nakipag-harapan si Bela sa isang virtual mediacon nito lang Huwebes, February 24.

Naikumpara siya kay Coco Martin dahil tila ganito na rin ang papel ng aktor sa industriya nila. Bilang aktor, scriptwriter, at direktor rin si Coco, hindi naiwasan ni Bela na magpakita ng paghanga sa Kapamilya star.

“That is very sweet maraming salamat. Coco is a very, very talented person bukod sa pagiging actor/director kahit noong umpisa palang ng Probinsyano nu’ng nandoon pa ako siya rin ang nagko-conceptualize ng maraming plot ng Probinsyano, so, he’s really a creative force, I guess in his generaton, in his world, so, I’m very happy for him and very proud of him." panimula niya.

“I think malayo pa ‘yung kailangan kong tahakin para masabing ka-level ko si Coco. kasi si Coco 'yun eh."

“Pag umabot na po ako sa suweldo ni Coco, masasabi ko na talaga na ka-level ko na siya.

“But seriously, I’m happy to be compared to Coco because I have great respect to him as ‘yun nga sa creative force but we do different projects, I cannot…hindi ko kayang mag-direk ng action, I cannot come up with action scenes.

“And I guess in the same way na baka there are things na I can do na hindi naman kayang gawin ni Coco, so we’re very different, ‘yun. Thank you.”

Ipinaliwanag naman ni Bela kung anong klaseng direktor ang magiging katulad niya sa tuwing nasa set at magshu-shoot ng mga eksena. Aniya, ayaw niya kapag minumura ng mga direktor nang direkta ang artista.

“Naku never ayoko ng….kahit sa ibang set, nate-tense ako kapag may ibang direktor na nagmumura, never pa akong namura ng direktor to be fair, never pa akong nasigawan, ah hindi baka nasigawan na ako noong baguhan ako, pero ‘yung diretsong ikaw mismo ang mumurahin parang never pa nangyari sa akin ‘yun.

“But I’ve seen it happened and ayaw na ayaw ko ‘yung nangyayari sa artista kapag nasisigawan sila o kahit hindi artista kahit crew or kapag nasigawan, nakikita mo silang mag-close as a person.

“Once na nag-close ka na, ‘shocks napagalitan ako o pumalpak ako hindi ka na creative, eh kasi parang nasa loob ka na ng shell mo ulit. Also at the end of the day, trabaho lang ‘to hindi tayo dapat umaabot na minumura natin ‘yung ka-trabaho natin.

“Kasi kung nasa office tayo right now hindi naman tayo puwedeng magsigawan at hindi ko puwedeng murahin ‘yung secretary ko or kung sinuman ‘yung katabi ko sa office. Hindi naman po normal, so, dapat hindi ginagawa talaga.

“And maraming ways to to evoke emotions hindi naman kailangang takutin ‘yung mga tao para umiyak sila,” pagpapaliwanag pa ng actress-director.

Naniniwala naman siya na mas kakailanganin ng isang artista ang training kaysa sa takutin, “They’re not ready yet, they need more education, need more training baka that’s one thing to consider, I hope,” saad niya pa.

“kung lagi kang nasisigawan ng direktor mo o namumura baka panahon na para mag-workshop ka or baka dapat mag consider ka na ng options mo to learn acting, so, hindi ka nasisigawan.

“Definitely that’s a no-no in my set, I don’t entertain that idea of people being bad temperered in my set.

“‘Yun ang number one rule ko sa set ng “366”, bawal ma-badtrip, so, gusto ko good vibes lagi sa set ayaw ko nang nagtataas ng boses. Unang-una kasi ang boses ko hindi ganu’n kalakas pag may ibang nagsisigawan at nagbigay ako ng instruction hindi na nila ako maririnig, so, kung puwede lahat kalma lang tayo, chill na chill lang, so, nagpapatugtog lang kami ng music sa set very malumanay.

“Kung made-describe ko ‘yung set ko, dalagang Filipina ‘yung set ko. And one thing I also love directing kaya nasabi kong mauulit ko siya is I guess watching (the) whole creation after kong ma-edit, ‘shocks ito ‘yung sinulat ko, now pelikula na , gusto kong maramdaman ‘yun ulit.” pagku-kuwento ni Bela.

إرسال تعليق

أحدث أقدم