FollowLike

Kim Chiu, sinabing ayaw na ayaw ni Xian ang nagpapaputok: “Eversince naging kami”

- Nagkaroon ng “question and answer” sina Xian at Kim sa inilabas nitong part 2 ng kanilang Valentine's vlog nitong February 25

- Unang tanong pa nga lang ay nakakaintriga na at dahilan kung bakit napatili pa ang Kapamilya actress

- Ngunit sa isa pang parte ng tanungan ay sinabi ni Kim Chiu na ayaw na ayaw ni Xian ang mga okasyong maiingay

Nakakakilig ang mga kaganapan sa part 2 ng vlog ni Xian Lim kasama ang nobya nitong si Kim Chiu sa kanilang YouTube vlog na may pamagat na 'Valentine’s Getaway 2/ KimXi Part 2.'

Dito ay nagpalitan sila ng katanungan sa pamamagitan ng mga cards. Simula pa lang ng kanilang “question and answer” ay nakakaintriga na kaagad ang unang tanong ng card. “What is your unique ability?” ang tanong na sinagot naman ni Xian.

“I can play the piano, at kung ilagay ko ang isip ko sa isang bagay, mabilis ko siyang magi-gets. Pag may interest ako sa isang bagay, puwede ko siyang aralin. Ayun nau-obsess ako sa isang bagay, parang sayo!” napatili naman ang aktres sa sinabi ng aktor.

Sunod na tanong kay Kim, “describe yourself in 3 words?” at sinagot naman niya ito ng “Beautiful (inside and out)! Honest. Loyal! True ‘yan!” 

Hindi pa riyan natatapos ang mga nakakatuwang pag-uulat nila sa relasyon nila at ibinida pa ni Kim sa kanyang sagot sa susunod na tanong na ayaw umano ni Xian ang mga maiingay kapag New Year. 

Tanong muli kay Kim, “what is your favorite time of the year and why?” 

Bilang sagot ni Kim ay sinabi nitong ang kaarawan niya ang pinaka-paborito niya dahil nakakatanggap siya ng nga maraming regalo, messages, at letters.

Dagdag pa niya, “And New Year!” ngunit biglang napasigaw rito ang kanyang nobyo. 

“Favorite ko ang New Year, mag-ingay, magpaputok! Ayaw ni Xian ng New Year. Eversince naging kami, ayaw niya. Hindi niya nakalakihan 'yon!” pagsasalaysay niya.

May pagpapaliwanag naman si Xian at dinugtungan pa ng sweet comment kay Kim. 

“Gusto ko ang New Year, pero ayoko lang ng sobrang ingay. Ayoko lang ng mga ‘holidays’ na dinidikta ng panahon. Like Valentine’s day. Oh, sige, since Valentine’s day naman ngayon. Feb. 14, para magbigay ka ng flowers, chocolates. Eh, puwede naman gawin 'yon araw-araw. Puwede kang magbuhos ng pagmamahal hindi lang sa Feb. 14!”

Post a Comment

Previous Post Next Post