Kamakailan lamang ay ibinahagi ng television personality na si RR Enriquez ang tungkol sa pagkawala ng kaniyang pera na ipina-deposito niya sa kaniyang mga tauhan.
Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni RR na inutusan niya ang kaniyang driver at staff na mag-deposit ng P2.3-M sa banko.
Sinabi pa ni RR na ilang beses niyang binilang ang pera bago ito ipahatid sa bangko kaya laking gulat na lamang niya na kulang na ang pera noong ito ay bilangin na sa banko.
Ani RR,
"I am still contemplating if I will post this or not! But again if you know me, I’m the type of person na mahilig mag vent out! Why? Because alam ko na may sense ang mga post ko and may lesson madalas.
"So today I asked my staff to deposit a 2,380,000 pesos. Sorry I’m not bragging!! Gusto ko lang talaga ikuwento in detail."
Dagdag pa niya, "My driver brought the money (sealed sa box) picked up my staff and bring her to the bank. Pag dating ng bank, when the teller count the money sa machine. It’s 2,316,000 na lang. Nawawala ang 64thousand."
Ayon pa kay RR, hindi niya ugali na magbintang sa ibang tao ngunit sinabi niya na hindi siya puwedeng magkamali sa halaga ng pera dahil ilang ulit pa niya itong binilang bago iabot sa kaniyang staff.
Kinapkapan naman ng gwardiya ng bango ang kaniyang driver at staff ngunit hindi nila nakita ang kulang na pera.
Ibinahagi din ni RR ang video at ilang larawan na maaaring makatulong upang malaman nila kung saan napunta ang P64,000 na nawawala.
Nilinaw din ni RR na patago lamang sa kaniya ang pera na iyon.
Samantala, marami naman ang mga netizens na nagsasabi na dapat ay iniabot na lamang niya ang pera sa mas pinagkakatiwalaan niyang tao.