FollowLike

Buhay Ngayon Ni Karen Delos Reyes Bilang Single Mom, Ating Silipin

Naaalala niyo pa ba si Karen Delos Reyes? Siya ay unang nakilala ng publiko noong maging parte siya ng ad ng McDonalds noong early 2000s kasama ang kaniyang lolo.

Matapos ang naturang patalastas, maraming oportunidad ang nagbukas para sa kaniya. Siya ay nakatanggap din ng kaliwa't kanang proyekto noon.

Siya ay napabilang sa cast ng 'Click' noon kasama sina Iya Villania, Alessandra de Rossi, Richard Gutierrez, Chynna Ortalwza, JC de Vera, at Angel Locsin. Gumanap din siya bilang Savanna sa fantasy series ng GMA-7 na 'Mulawin'. Madalas ay nakakatanggap siya ng mga kontrabida role dahil sa husay niya sa pag-arte.



Huling napanood si Karen sa television sa serye na 'Dear Uge' noong 2016. 

Ngayon ay isa ng hands-on at fulltime mom si Karen sa kaniyang anak na lalaki na si Gabriel Lucas.

Saad niya sa caption ng isa sa kaniyang mga social media post,

"Lord, thank you so much for this wonderful blessing. Help me raise this ch𝔦ld, mold his mind and nurture his o𝔬dy. "

"Help me see the spec𝔦al g𝔦fts you have given him and help me nurture them. Thank you Lord for your grace and love. Please give us inner strength, pat𝔦ence and peace for the journey ahead." 


Sa kaniyang social media account, makikita na madalas lamang na kasama niya sa larawan ay ang kaniyang anak kaya hindi malinaw kung sino ang ang ama ng bata. Kahit pa man mag-isa lamang siyang nagpapalaki kay Gabriel, siya ay masaya at kontento pa din sa buhay na mayroon siya ngayon kasama ang kaniyang mahal na anak.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa din nakakalimutan ng marami ang commercial ng mag-lolo kahit pa man ilang dekada na ang nagdaan.

Komento ni JMot,

"MAY 2020 kasagsagan ng co0𝔦d19 kaya bored na bored sa bahay at akalain mong napunta na ako dito. kakamiss tong commerc𝔦al na to.ito ung mga panahong di pa puro broken mga commerc𝔦al ng McDo."

Saad naman ni Shan Alacorano,

"Bihira ka na lang makakakita ng mga ganitong TVC ng𝔞yon! Nahawa na yata tayo ng mga banyaga! KAREN and LOLO WILL ALWAYS BE A PART OF MY CHILDHOOD DAYS!!!"

Pahayag ni ella1029,

"I was teary-eyed when I first saw this commerc𝔦al and after not seeing it for a long time, it still has the same effect on me... hay."

Post a Comment

Previous Post Next Post