FollowLike

Kasambahay, Inireklamo Ang Anak Ni Lucio Tan Matapos Siyang Bantaan Dahil Lamang Sa Nilutong Hotdog

Dumulog kamakailan lamang ang kasambahay na si Rocelle Siay sa programa ni Raffy Tulfo na 'Raffy Tulfo in Action' upang magsumite ng reklamo laban kay Timmy Tan, anak ng business tycoon na si Lucio Tan, at nagalit umano sa kaniya dahil lamang sa hotdog.

Sa video na in-upload sa YouTube, sinabi ng kasambahay na sinabi pa umano ni Timmy sa bodyguard nito na baril1n siya.

Nabanggit din niya na ang ikinagalit lamang sa kaniya ng amo ay dahil nagluto siya ng hotdog.


Ayon kay Rocelle, nagalit umano sa kaniya si Timmy noong siya ay magluto ng hotdog para sa ibang babae ng kaniyang amo na nakatira sa itaas ng mansyon nito. Saad ng kasambahay.

Sinabi umano ng babae na simpleng pagkain lamang ang ihanda sa kaniya at huwag ang mga karne kaya naman naisip niya na lutuan na lamang ito ng hotdog at itlog.


Ngunit ito ay tila hindi narinig ni Timmy dahil bigla na lamang itong nagalit sa kaniya noong malaman na hotdog lang ang pinakain niya sa babae.

Saad ng kasambahay,

“Sabi naman ng babae, ‘Okay lang naman ako doon kasi busog naman na ako’. Nagalit pa rin yung boss ko… minura niya po ako.”

Sa naturang video, maririnig na tila may inutusan ang amo na barilin si Rocelle habang sila ay nagkakasagutan.

Sa kabilang banda, nagsampa ng kasong cyberlibel si Timmy laban sa naturang kasambahay dahil sa pagbabahagi nito ng kanilang hindi pagkakaunawaan sa social media.

Tumanggi din na magpa-interview si Timmy kay Raffy Tulfo at hahayaan na lamang ang kaniyang abogado na gumawa ng aksyon tungkol sa naturang isyu.

Samantala, nangako naman si Tulfo na tutulungan at susuportahan si Rocelle sa kaso na isinampa sa kaniya ni Timmy. Sinabi din nito na tutulong din siya kung sakali na gustong magsampa ni Rocelle ng kaso laban kay Timmy dahil sa pananakot nito na barilin si Rocelle ng bodyguard.

إرسال تعليق

أحدث أقدم