FollowLike

Lalakeng Pumanaw Ang Asawa Sa Panganganak, Nanghihingi Ng Breast Milk Para Sa Kanyang Triplets

Lahat naman tayo ay gustong magkaroon ng masaya at buong pamilya. Ngunit, sadya ngang mapaglaro ang tadhana dahil kahit ano pa mang plano ang ating gawin, ito ay maaari pa din mag-iba dahil sa mga pangyayari na hindi natin inaasahan.

Kagaya na lamang ng nangyari sa lalaking ito. Masayang pamilya na sana ang kanilang bubuuin kasama ang kaniyang asawa at ang kanilang triplets na anak. Ngunit, ito ay hindi na matutuloy dahil sa p4gpanaw ng kaniyang asawa nang isilang ang kanilang mga anak.

Ang ama ng triplets na bata ay kinilala bilang si Joel Orbello Regal.


Mag-isa na lamang niyang tinataguyod ang kaniyang tatlong anak ngayon matapos pum4naw ang kaniyang misis. Kaya naman naisipan niyang humingi ng tulong sa mga netizens upang kahit papaano ay magkaroon ng pangbili ng gatas ang kaniyang tatlong anak.

Sa tulong ng mga mabubuting netizens, nairaraos naman ni Joel ang pangangailangan nila ng kaniyang mga anak.


Maliban sa breast milk, mayroon pang iba't ibang kagamitan na pang-baby ang natanggap ni Joel, tulad ng komportableng higaan, diaper, at marami pang iba.

Nagpasalamat naman si Joel para sa mga tulong na natanggap ng kaniyang mga anak.

Saad ni Joel sa kaniyang Facebook post,

“Hindi man nangyari yun Plano sana na inaasahan namin ng asawa ko pero God will provide tlaga sa kabila ng lahat. Mahal ko alam ko napakasaya mo kasi gumawa pa din si God ng paraan para hindi ako panghinaan ng loob para lalong mag pursige para sa mga anak natin .Maraming maraming salamat po sa mga pinaabot nyong tulong samin ng mga anak ko god bless you all po.”

Kahit pa man wala na ang misis ni Joel, ito ay nananatili pa din sa kaniyang puso. Sa halip na magmukmok, mas pinili niya na maging matatag at huwag sumuko para sa kaniyang mga anak.

Ang pagiging solo parent ay hindi madali, partikular na sa sitwasyon ngayon ni Joel dahil tatlo ang kaniyang anak. Gayunpaman, nakakatuwa lamang isipin dahil marami pa ang may mabubuting kalooban na handang magbigay ng tulong para sa kanila.

Post a Comment

Previous Post Next Post