FollowLike

Julia Montes, Nagsalita Na Tungkol Sa Kanyang Buhay Pag-Ibig Ngayon

Sa interview ng Mega Entertainment, inamin ni Julia na nasa isang relasyon siya ngayon. Hindi niya pinangalanan ang masuwerteng lalaki.

Ayon kay Julia, "He is for keeps."

Sa katunayan kung aalukin siya ng kasal nito ay sasagot siya kaagad ng "OO."

Sabi pa ng aktres, "We choose this path kasi we both believe na, 'Ang atin, atin.' Pumasok tayo sa trabahong ito na magulo. Huwag na nating paguluhin pati yung atin."

Ipinaliwanag ni Julia na ang pananahimik nila ng karelasyon ay pareho nilang desisyon. 

"Personal choice namin yun. And for us kasi talagang naniniwala kami pag ano kasing nandiyan, sisirain. Pag hindi kayo, pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. Pag kayo, pagsisirain kayo."

"So, might as well, "O, anong alam niyo? Okay, kung anong alam niyo, okay po." Yun na lang." 

Hindi kaila sa publiko na matagal nang nauugnay si Julia sa kapamilya aktor na si Coco Martin.


According to Julia, it's a conclusion decision. "This time, gusto ko 'yung akin, akin. So, ayoko lang I-share for the sake of, pa-mysterious lang" she teased. "It's more of I'm just protecting my own happiness," she added.

Ang dalawa ay naging magkatrabaho sa "Walang Hanggan," noong 2012 kasabay ng umuugong na balitang sila.

Noong November 2020, marami sa mga mapanuring fans nina Coco at Julia ang napansing may Instagram photos si Julia na tila kuha sa bahay ni Coco.

Noon namang February 2021, naging bukas si Julia sa paglalarawan na ang tipo niyang lalaki ay iyong mahilig magsuot ng leather jacket, moreno, at sakto lamang ang tangkad- mga katangiang taglay lahat ni Coco.

Lalong kinilig ang fans nang mamataang magkasama sina Julia at Coco na nagbakasyon sa Boracay noong March 2021.

Hindi man nag-post sina Coco at Julia ng litrato nilang magkasama sa kani-kanilang social media accounts, makikitang hindi sila umiwas sa mga taong nais magpa-picture kasama nila.

إرسال تعليق

أحدث أقدم