Nagsimula si Anne Curtis sa VIVA FILMS mula 1998 pero ang kanyang first six years sa telebisyon ay nagsimula sa GMA-7 dahil sa patnership ng VIVA FILMS at ng network.
Noong 2004, nilipat ng VIVA si Anne sa ABS-CBN at nanatili siyang kapamilya hanggang ngayon.
Maraming fans ang nasaktan sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7, at mas lalo silang nagulat nang makita ng picture ni Anne Curtis kasama ang executives ng GMA (via zoom meeting).
Kasama din sa meeting ang mga executive ng VIVA FILMS and VIVA ARTISTS Agency, ang nag-mamanage kay Anne.
Ang litrato ay ipinost ni Joey Abacan na may caption "Thank God for a very productive afternoon! Very refreshing to see you again @annecurtissmith #goodvibes #gmafilms #gma #viva".
Ang tanong ng isang neizen "Please tell us na gma films lang at hindi ka lilipat sa gma."
Ang sagot naman ni Anne, "Yes. Kalma. They pitched a film for next year na hindi pa naman sure yet. As always, I need to read the script first before making a decision. The last viva x gma film I did was IN YOUR EYES with Ate Claudine and Richard. I was already a Kapamilya then. So Kalma lang!"
"And isa pa, babalik pa ako sa It's Showtime so kalma lang madlang peeps!!!" Dagdag ng aktres.
Ang ilang reaksyon ng mga netizen sa nasabing issue.
"We needed this confirmation. Balik ka na po sa Showtime. Para mas masaya! Love you Anning."
"Miss na miss kana namin. Miss ka na namin sa Showrtime!!! Sana soon!!"
"Yeyy, love you ate Anne pasok ka na fully vaccinated na po sila. Thank God huhu we'll wait for you. Use the hashtag #kapamilyaForever"
Ang nasabing tweet ni Anne ay umani ng 62.5K likes, 5.2k re-tweet at 1.1k na comment.