FollowLike

Heart Evangelista, Ibinahagi Ang Larawan Ng Itinuturi Niyang Pinakamasakit Na Karanasan Sa Kanyang Buhay

Madalas ay hinahangaan natin ang mga celebrities hindi lamang sa kanilang pag-arte kundi pati na din sa kung paano nila i-presenta ang sarili sa harap ng kamera at maraming tao. Ngunit, minsan ay tila nakakalimutan natin na sa likod ng kanilang kasikatan at pagkakaroon ng tagumpay na karera sa showbiz, sila ay tao din na mayroong damdamin. At katulad natin, ang ilan sa kanila ay mga ina din.

Bagamat siya ay maaaring mukhang maayos at kamangha-mangha sa panlabas niyang kaanyuan, ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista na naaalala pa din niya ang araw ng p4gkawala ng kaniyang mga anak.

Kamakailan lamang sa Q&A session ng Kapuso star na si Heart sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilan sa mga hindi niya malilimutang eksena na nangyari sa kaniyang buhay mula noon hanggang ngayon. Isa na dito ay ang itinuturing ni Heart na 'worst experience' sa kaniyang buhay.

Ibinahagi ni Heart ang isang larawan kung saan makikita na siya ay nakahiga sa hospital bed habang ang kaniyang asawa na si Sorsogon Governor Chiz Escuder ay nakaupo sa kaniyang tabi.

Saad sa caption:

“My great husband @escuderochiz. Worst day of my life. Lost my twins… now I have angels. Just saw this pic.”

Taong 2018 nang ianunsyo ni Heart ang pagdadalang tao niya sa anak nila ni Chiz ngunit makalipas lamang ang ilang linggo ay ibinahagi nga niya sa publiko ang malungkot na balita tungkol sa pagk4wala ng kanilang kambal na anak matapos niyang makunan.

Sa nakaraang post, inamin ng Kapuso actress na siya ay na-trauma sa pagkakalaglag ng kaniyang mga anak. Ibinahagi din niya ang lungkot na nadarama sa pananabik sa kaniyang mga anak at may pagkakataon pa na inisip niya na marahil siya ay hindi mabuting tao kaya't kailangan niyang magdusa.

Aniya,

"Having a miscarriage is the most traumatizing feeling. I carried my twins 4 months after because my doctor wanted me to naturally go through the process. It was the most horrible feeling thinking maybe God can bring them back to me … or me thinking am I not a good person for this to happen."


"Having babies is for sure a blessing or just actually being able to feel that you can love someone even if you haven’t met them. I had a stroller, a baby room and a name. My babies already had a life prepared for them."

Samantala, ibinahagi naman ni Heart na siya ay kontento na sa mga bagay na mayroon siya ngayon, ngunit hindi pa din niya isinasara ang pintuan kung sakali na siya ay magkakaroon ng anak. Ito ang sinabi niya sa isang netizen na nag-komento tungkol sa pagkakaroon niya ng anak. 

Saad ng aktres,

"Now me trying after a year or so is my choice but me not having a baby as of the moment is God’s choice and I wouldn’t want to question that."

Dagdag niya,

"I’m too blessed my love. Too shy to ask more from God. If He gives me one—a big thank you. Whatever it is dear, thank you for your concern, but this bitter-sweet comment of yours is inappropriate."

Noong Nobyembre lamang ay sinabi ni Heart sa kaniyang vlog na may plano na sila ni Chiz na subukan ang ibang option at tignan kung siya ay mabubuntis muli.

Aniya,

"Malapit na. After the pandemic, mag-option C na ako. Nag-B na ako eh, so C na tayo. Wait lang kayo diyan. Mag-option C na ako after the pandemic. Bigyan lang natin ito ng chance."

إرسال تعليق

أحدث أقدم