FollowLike

Vlogger, May Ginawang Kamangha-Mangha Sa Lalakeng May Kakaibang Sakit Sa Balat At Ayaw Lumapit Sa Ibang Tao

Walang arteng niyapos ng vlogger na ito ang isang matandang lalaki na mayroong sakit sa balat at ayaw nitong lumapit sa ibang tao sapagkat madalas kasing reaksyon ng iba ay mayroong kalakip na pandidiri.

Sa YouTube Channel nga ng naturang vlogger na Virgelyncares, ibinahagi rito ang nakakaantig damdaming kwento ng matandang lalaki.

Pagbabahagi pa ng vlogger, nakilala niya raw ang matandang lalaki na kinilalang si Tatay Domingo noong siya ay naghahandog ng mga relief goods. Nakaupo raw ito at may hawak na malaking kaldero nang kaniyang makita.

Dalawang taon nang pangangalakal ang pangunahing hanap-buhay ni Tatay Domingo, at nagbebenta rin ito ng mga tanim.

Noong tinanong ito ng vlogger tungkol sa kaniyang sakit, sinabi ng matanda na nagkaroon siya ng mga tila malalaking butlig sa kaniyang katawan at mukha noong siya ay 12-anyos pa lamang, dahil umano nasobrahan siya nang pag-inom ng gamot. Hindi na rin daw siya nakapag-aral noong mga panahong iyon sapagkat inuulan siya ng mga pangungutya mula sa mga kaklase.

Sa isang bahagi ng video, nang igiya na ng matanda ang vlogger sa kaniyang bahay, makikita ang ilang sako ng kalakal na kaniyang inilalabas upang maibenta. Ngunit, ayon sa kapitbahay nito, hindi nito agad maibenta ang mga kalakal sapagkat mabibigat ang mga iyon at wala itong sasakyan papunta sa bentahan.

Nag-alok naman ang vlogger na sa kaniyang tricycle isakay ang mga kalakal. Nang maibenta ang mga kalakal, nagkakahalang Php 134.00 ang kaniyang kinita, na kaniya namang pinagkakasya para sa pagkain at iba pang mga gastusin; mag-isa  na lang rin kasi sa buhay si Tatay Domingo.


Ngunit, hindi niya inaasahan na marami ang kaniyang maiuuwing bigas sa araw na iyon dahil sa tulong ng vlogger na kumakalap ng mga handog mula sa mga subscribers nito, na karamiha’y mga Overseas Filipino Workers (OFW), para sa mga kapus-palad. 

Lubos ang pasasalamat ng matandang lalaki sa vlogger at sa mga iba pang nag-abot tulong.

Pinaalalahan naman ng naturang vlogger ang mga tao na hindi naman ‘nakakadiri’ ang balat ni Tatay Domingo saka niya ito niyakap at hinalikan. 


Post a Comment

Previous Post Next Post