FollowLike

Nadine Lustre, Natalo Sa Kaso Laban VIVA

Ipinabatid na ng korte na mananatili ang kontrata ng aktres na si Nadine Lustre sa Viva Artists Agency (VAA) matapos maglabas ng resolusyon ang korte ng rehiyon ng Quezon City na pumabor sa petisyon ng ahensya hinggil sa kanilang kontrata sa aktres, ika-14 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Ito nga ay kaugnay sa isyu ni Nadine at ng VIVA noon lamang nakaraang Disyembre 2020. 

Matatandaan na agsampa ng kaso ang VAA laban sa aktres dahil sa mga paglabag umano nito sa kanilang kontrata, sa pamamagitan ng mag-isang pagkontrata nito sa mga advertiser, promoter, at iba pang mga third party, at ipinagwawalang-bahala ang pagiging eksklusibo ng kanyang kontrata.

Isa na rin ang pag-aanunsyo ng aktres noong 2019 na tinatapos na niya ang kaniyang kontrata sa VAA dahil "unconscionable, oppressive, and illegal" umano ang nangyaring pagpirma ng kontrata, sapagkat noong mga panahong iyon daw ay menor de edad pa si Nadine at kaniyang mga magulang ang umayon sa kontrata.

"Petitioner [VIVA] has established its unequivocal right arising from the subject Revised Agency and Management Agreement. It has established that respondent [Nadine] contracted with them to act as sole and exclusive manager for respondent’s exercise of profession in the show business,"hinggil sa pasya ng hukuman.

Ngunit ayon naman sa kaniyang abugado na si Atty. Lorna Kapunan pabor pa rin sa aktres ang nangyaring hatol sapagkat ikinaila ng korte ang VIVA sa pagkakaroon ng karapatan sa pera at bank account ni Nadine.

"Court denied Viva’s claims for attachment and garnishment of Nadine’s hard earned earnings and her bank accounts - this is a victory for Nadine," pagbasa ni Kapunan sa pahayag ng korte, na ibinahagi ni reporter MJ Felipe sa Twitter.

Gayun pa man daw, binigyan ng Korte ng isang Status Quo order ang Viva bilang pagsasaalang-alang sa mga karapatan ng mga third party bago matapos ang kontrata ni Nadine sa Viva.

Ngunit ang isyu raw kung mayroon pa bang valid contract sa pagitan ng Viva at Nadine ay hindi raw napagpasyahan ng Korte na nagsabing ang isyung ito ay napapailalim sa paglilitis sa arbitrasyon at hindi sa korte.

Natupad at patuloy na iginagalang daw ni Nadine ang mga naunang kontrata sa mga third party kahit na wakasan niya ang kasunduan sa Viva para sa iba't ibang material breach na ginawa nito.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Nadine tungkol dito.

إرسال تعليق

أحدث أقدم