Gusto mo bang mag- ipon ng pera sa alkansya na “kupit free?” Halika at ating tunghayan ang underground alkansya sa may Marikina City.
Si Mark Christian ay gumawa ng special na underground alkansya noong June 2018 para sa kanyang Tatay na isang tricycle driver.
Inilagay niya ito sa kanang bahagi sa loob ng kanyang kuwarto at ang sukat nito ay 2 by 2 feet. Inihalintulad niya sa pag-gawa ng septic tank at nilagyan ng tatlong butas para sa paghuhulog ng kanyang tatay ng pera dito.
Ayon kay Mark Christian “Noong pagkabata ko po kasi talaga ang mahilig po talaga akong gumawa ng iba't - ibang klaseng alkansya. Gawa sa kawayan, gawa sa lata.”
Ayon sa kanya, "Tinibag ko po yung semento po dito sa loob ng kuwarto ko po tsaka ko po hinukay po talagang ako lang o ang gumawa mag-isa, sarili ko pong gawa tapos sinemento ko nang solid yung pinaka pader niya saka ko po siya tinakpan ng gawa rin po sa semento bale pinantay ko lang din po siya sa flooring ng kuwarto."
Noong una ay tinatanong siya ng kanyang nanay bakit kailangan pang maghukay sa loob ng kanyang kuwarto para sa alkansya.
Ayon pa kay Mark Christian, “Gagawan ko kayo ng alkansya na kakaiba tapos yung hinding-hindi niyo puwedeng kupitan kasi pagka gumawa kayo ng alkansya na gawa sa kawayan o ano pa man pagka nangailangan kayo talaga ay matrigger talaga kayo na buksan. so, ito, pagka kailangan na kailangan na kailangan talaga saka lang natin bubuksan."
"Ito po medyo naisipan ko kasi para 'di makupitan kasi po kinukupitan ng kapatid ko. kaya sabi ko, itong alkansyang gagawin ko kapag napuno saka lang bubuksan eh kaso po kinailangan lang po kaya nabuksan po siya. Ang sabi ng pamilya, gagamitin nila ang naipon nilang pera sa pagbili ng napili nila property."
"Ang baryang inihuhulog ng aking Tatay na si Aludio sa underground alkansya ay P5 o P10 pesos. Kada araw nag-huhulog siya ng 100 pesos minsan kapag maganda ang kita 200 pesos naman ang inihuhulog niya. Ipinapapalit po namin sa gas station iyong barya para maihulog ni Tatay. Siyempre, natuwa po sila lalo na po si Tatay kasi sa kanya naman po talaga yung, sa kanya talaga yung perang yun eh. Pinag- ipunan niya sa pamamasada niya ng tricycle so natuwa po siya. Sabi ni Mang Aludio ipagpapatuloy niya ang pag-iipon sa kanyang underground alkansya."
At noong nakaraang March 3, 2021, napagkasunduan ng buong pamilya na buksan na ang underground alkansya at inabot sila ng halos buong araw makuha lang lahat ng barya dito. Pagkatapos nilang bilangan ang laman umabot ito sa P52,000 sa loob ng tatlong taon na pag-iipon.
"Nung binubuksan po namin yung undergound alkansya, mahirap po eh medyo namali po ako. naging pahirapan po ang pagbukas dito, nagtulungan na kami para mabuksan ito. Bale yung pinakadibdib po namin naka sayad n po sa pinaka flooring po kasi medyo mahaba nga po. hindi nga po siya napuno.. Ang lalim po. Pagkatapos nilang makuha ang lahat ng barya ay nilinisan nila ito at hinahanda n nila ulet sa paggamit dito."
Kaya sa mga kabataan, dapat matuto kayong mag-ipon kasi sabi nga " kapag may isinuksok, may madudukot."