FollowLike

Isang Ama, Kinahangaan Dahil Sa Pagkakayod Kahit Wala Nang Mga Kamay

Si Tatay Noel Perez o mas kilalang “Mang Weng” sa kaniyang mga suki, ay isang fish ball vendor.  Patuloy siyang kumakayod sa buhay sa kabila ng kawalan niya ng mga kamay.

“May kulang man daw kasi sa kaniya hindi niya maatim na magkulang pagdating sa kaniyang pamilya.” At dahil sa kaniya pagsusumikap, nag-viral siya sa socmed at hinangaan ng mga Netizen.

Taong 1983 nang maputulan ng mga kamay si Tatay Noel matapos itong makuryente sa dati niyang pinapasukang construction site. Gayunpaman, hindi niya hinayaang maputol ang kaniyang pag-asa at pag-laban sa buhay.

Napagtapos niya ang kaniyang dalawang anak sa pag-aaral. At patuloy pa ring naghahanap-buhay si Tatay Noel para matustusan ang pagpapagamot sa kaniyang asawa.

Ayon kay Tatay Noel “Nakapag-abroad nga po iyong anak ko pero mahina po iyong sahod, Ma'am. Eh kailangan ko pong magtrabaho tapos kailangan pa iyong misis ko po, kailangan pa iyong medication"

Mahirap man ang buhay, hindi maaaring magpatinag si Tatay Noel dahil gagawin niya ang lahat ng makakaya maibigay lang ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Ayon sa ating netizen na si Alvin B. Manalang “sa kabila ng kanyang kalagayan ninais nyang maging pursigido para sa kanyang pamilya,masipag parin si Mang Weng na nagtitinda ng fishball.”


Ang ilang comments ng mga netizens:

"Number 1 si Mang Weng sa amin sobrang sarap ng fish ball niya, elementary pa lang ako suki na aki ni Mang Weng, Godbless Mang Weng."

"Yan ang tunay na Ama walang inaatrasan sa hamon ng buhay. Saludo po ako sa inyong kasipagan Sir Noel at mag-ingat po kayo palagi at Godbless po."

"Salute po sa inyo Sir isa kang huwarang ama. naway tularan ka po ng marami. Stay Healthy and GodBless you po."

Sa kasalukuyan mayroon ang trending video ni Tatay Noel ay mayroon ng 448 comments, 3.1K shares at 22,193 views.  Tatay Noel, Saludo po kami sa inyo! Mabuhay kay Tatay Noel.


Post a Comment

Previous Post Next Post