FollowLike

Ang Probinsyano Finale, naging numero unong programa ng bansa nilapa ang mga katapat!

- Lumabas na numero unong programa sa bansa noong biyernes ang Finale ng Ang Probinsyano

- Napakalaking record nito lalo pa't maliit lamang ang reach ng ABS-CBN sa kasalukuyan

- Bukod sa ratings ay record breaking din ang Online Data nito

Pumalo sa mahigit sa 16.6% ang AGB Nielsen Nutam ratings ang Finale episode ng Pambansang Teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano ' nitong biyernes August 12.

Ito rin nag numero unong programa buong araw na iyon kung saan nahugitan pa ang record ng mga programa ng GMA Network.

Humamig lamang ng 14.8% at 10.6% ang mga programang nakatapat niya na 'Lolong' at 'Bolero'.

Kung iisipin na noong may prangkisa pa ang ABS-CBN ay consistent naman na talaga ang pagiging No.1 program ng Ang Probinsyano, ngunit ang makamit muli ang Number spot ngayon ay napakalaking deal kung titignan ang data.

Sa kasalukuyan kasi ang GMA Network ang siyang may pinakamalawak na reach pagdating sa TV Audience kung saan mahigit sa Nationwide o buong Pilipinas ang maaaring maabot nila, kumpara ito sa naabot ng A2z at TV5 na kapag pinagsama ay mahigit sa kalahati lamang ang naabot nilang reach kumpara sa GMA.

Bukod sa mataas na TV ratings sa kabila ng hindi kalakihang reach na naaabot nila ay humamig din ito ng malaking Online views.

Ang concurrent views nito ay pumalo sa 580k mula sa Facebook at YouTube, pinakamalaki para sa isang serye sa kasaysayan, habang pumalo naman sa mahigit sa 11Million views ang combined views ng Finale episode sa YouTube sa loob lamang ng 24hours magmula ng ma i upload ito.



Tunay ngang si Cardo Dalisay lang ang siyang Sakalam!!

إرسال تعليق

أحدث أقدم