FollowLike

Luis Manzano, nagsalita na sa mga tumatawag sa kanyang 'bakla': "Kung ano ako..."


 - May sagot si Luis Manzano sa mga bashers na iniintriga siya bilang parte ng malawak na komunidad ng LGBTQ

- Hindi rin daw niya maintindihan ang mga tao kung bakit ginagawang negatibong konteksto ang pagtatawag sa iba bilang parte nito 

- Natatawa na nga lang daw siya sa kanyang mga bashers dahil sanay na siyang ma-bash simula pagka-bata at ito ang ginagamit laban sa kanya

Nakapanayam ni Ogie Diaz ang Kapamilya host  na si Luis Manzano sa kanyang YouTube channel at dito nga ay napag-usapan nila ang kasarian ni Luis, na ginagamit bilang pang-puna sa kanya ng mga bashers.

Hindi na ito tinatablan sa mga ibinabato sa kanya dahil simula pa noong bata siya ay puro ganito na ang sinasabi sa kanya sa tuwing dadalaw siya sa show ng kanyang mommy na si Vilma Santos.

Pagku-kuwento niya, “Bata pa lang ako, naba-bash na ako. Bata pa lang ako, kung anu-ano na ang sinasabi… Bata pa lang ako kapag dumadalaw ako sa show ng mommy ko dati, ito ang ginagamit nila pang-bash.

“Hindi ko sinasabi na negative ‘yung connotation, sinasabi sa akin na ‘Ay, bakla yan’, ganyan. Yun ang pang-asar syempre sa industriya marami from the LGBT community… Bata pa lang ako may ganun na,” dagdag pa ng host.

Pagpapatuloy pa niya, natatawa nalang siya sa mga ganitong hirit ng mga tao. Aniya pa, minsan ay nakikipag-asaran nalang siya sa basher ngunit sa dulo ay siya pa ang bino-block ng mga ito.

“So ako, sa akin, kahit anong mga hirit yan, natatawa na lang ako.

“E ako yung artistang hindi nagbabait-baitan. Kung ano ako sa likod ng kamera, ganoon ako. So pag sumasagot ako, dahil natatawa lang ako… So kapag sumasagot ako, dahil gusto kong makipag-asaran sa ‘yo. Nagkakatapn kapag naggaganun ako, minsan sila yung namba-block sa akin," saad pa ni Luis.

إرسال تعليق

أحدث أقدم