FollowLike

Spotted na naghubo't-hubad; Zanjoe, hindi na yinuyukuan si Kylie: “Sarap kasi na...”

- Inamin ng 'Ikaw Lang Ang Mahal' stars na sina Zanjoe Marudo at Kylie Verzosa na wala nang naganap na ilangan sa isa't-isa na gawin ang love scene nila.

- Nang kukunan ang nasabing eksena, 'exciting' nga para kay Zanjoe ito dahil ibang-iba ito sa mga nagawa niyang scenes dahil hindi na umano sila natulog

- Masarap nga rin daw na kaeksena ang aktres dahil hindi na siya yumuyuko dahil magkapantay na sila ni Kylie–bagay na tinawanan ng aktor

Naganap ang mediacon ng bagong pelikula nina Kapamilya star Zanjoe Marudo at katambal nitong si Kylie Verzosa noong Biyernes, sa Sgt. Esguerra Avenue sa Quezon City na may pamagat na “Ikaw Lang Ang Mahal.” 

Sa face-to-face mediacon na ito ay inamin ni Zanjoe na wala nang “ilang factor” sa pagitan nila ni Kylie habang ginagawa ang ilang mga hot scenes dahil sobrang lamig sa tuktok ng bundok kung saan sila nag shoot. 

“We were excited sa scene na ‘yun kahit nakagawa na kami ng ibang lovescene. Exciting kasi hindi kami natulog, nagpahinga lang kami nu’ng night tapos umakyat kami ng bundok para sa scene na ‘yun para pag sunrise nandoon na kaming lahat ready na kami kasi hindi puwedeng magdala ng sasakyan, so, nag-hike kami ng three hours.

“’Yung journey na pumunta at gawin ‘yung scene na ‘yun ang mas tumatak sa akin tapos ‘yung panahon kailangang makisama. Kaya hindi na pumasok sa isip ko na magkailangan pa at nakakatuwa lang na parehas kaming game ni Kylie na gawin ‘yung scene,” pahayag ni Zanjoe.

Ayon naman kay Kylie, “Sobrang ginaw sa Sagada, 12 yung temperature at naka-heat patch kami ng spongebob na nakatago lang. Masaya na kinakabahan na maganda ang experience dahil we have to hike ng 1 a.m., pumunta kami sa Sea of Clouds at nakarating kami ng 2 a.m. tapos nag-set up. Kailangan naming hintayin ‘yung araw.

“Yung eksena dapat sunset pero kinunan namin ng sunrise, so, pagputok ng 5 a.m. shoot na kami kaagad marami kaming shinoot na scenes, tuluy-tuloy ‘yun, so, wala na kaming time na i-absorb ang lahat. Tuluy-tuloy na para lang makuha ‘yung shot na ‘yun,” aniya.

Tila nagbiro pa nga si Zanjoe sa kanyang katambal na si Kylie dahil hindi na niya kailangan yukuan ang aktres dahil magkapantay na sila ng taas. Kadalasan kasing mas matangkad ang leading man kumpara sa kanyang katambal. 

“Sarap kasi na ang kaeksena mo, hindi na ako yumuyuko, kasi pantay na kami. Hahaha!” pagbibiro niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post