FollowLike

Neil Arce, ibinandera kung saan pinakamagaling si Angel Locsin; Dimples, may sweet message sa kaarawan nito

- Nag-post sa pamamagitan ng Instagram ang asawa ng Kapamilya star na si Angel Locsin ng isang munting mensahe para sa kaarawan nito

- Sa kabila umano ng daming ginagawa ni Angel, sinabi nito kung saan ito pinakamagaling at sinundan pa ng "i love you" message sa kanyang caption

- May sinabi rin ang kanyang bestfriend na si Dimples Romana at isang pasalamat dahil biniyayaan siya ng kaibigan na tulad ni Angel

May pakulong muli ang asawa ng ating real-life Darna at Kapamilya star Angel Locsin para sa kaarawan nito, April 23, sa Instagram post ng walang iba kundi si Neil Arce.

Ibinandera nito ang kanilang sweet photo at nilagdaan pa ng sweet caption na nagpakilig sa mga netizens. Matatandaan ring ikinasal ang dalawa noong 2021 sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na ibinuking naman nila sa isang vlog.

“Sa dami ng ginagawa mo— actress, volunteer, businesswoman, and many more… pinakamagaling ka pa rin sa pagiging asawa ko. I Love you. Happy happy birthday.” maikli ngunit madamdaming mensahe ni Neil.

Tugon naman ng aktres, “Ay may post na ka-sweetan I love you sooo much.”

'Di rin naman nagpahuli ang kanyang BFF na si Dimples Romana na isa rin sa mga pinaka-unang bumati sa kaarawan ni Angel. Isang litrato rin ang ibinahagi niya kasama ang kanyang mensahe.

“Maligayang kaarawan sa aking pinakamamahal na best friend, mars for life, @therealangellocsin.

“To say that I am proud of the woman you have become and the legacy of your heart would be an understatement. If only people would get to see you up close and hear you speak, they too would love you even more.

“I have never known a woman as strong, as dignified, as loving and as loyal as you are. Thank you for being by me, with me, always.

“In many of life’s struggles and victories, lagi kitang kasama. Salamat. I am truly blessed to have a best friend who has a heart big enough to fit all that love you so willingly and selflessly give to everyone,” aniya.

“Ang best friend kong ubod ng sweet! Love you forever, mars!” sagot naman ni Angel dito.

Post a Comment

Previous Post Next Post