FollowLike

Kyle Echarri, may makakasamang taong sobrang mahalaga sa kanya sa bagong proyekto!

- Itinanggi ni Kyle Echarri na 'wasak' na umano ang pagkakaibigan nila nina Francine, Andrea, at Seth sa isang panayam 

- Ibinahagi rin ng aktor na marami pa siyang proyektong gagawin sa kanyang Dreamscape Entertainment family bilang isang solo actor

- Nabanggit rin niya na makakasama niya ang isang taong mahalaga sa kanya sa bagong proyektong kanyang gagawin

“I have a very exciting project later on this year na may kasama akong tao na sobrang mahalaga sa akin...”

Iyan ang sinabi ng Kapamilya actor na si Kyle Echarri sa isang panayam sa kanya sa naganap na advanced media screening ng iWantTFC original series na 'Misis Piggy' na pinagbibidahan ni Ms. Sylvia Sanchez.

Ikinuwento rin ng binata na wala namang alitan at 'okay' silang malalapit na kaibigan sa loob ng grupo nilang 'Gold Squad' kasama sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, at Francine Diaz.

Matagal nang on-screen partner ni Kyle ang Kapamilya actress na si Francine Diaz na nagsimula pa noong 'Kadenang Ginto era' nila na kung saan mas sumikat pa sila bilang magka-loveteam kasabay ng Andrea-Seth tandem. 

“I have a very exciting project later on this year na may kasama akong tao na sobrang mahalaga sa akin basta ‘yun lang muna puwede ko sabihin. Can’t say it yet but, very soon malalaman niyo na rin,” ani Kyle sa kanyang panayam. 

Matatandaan namang ni-reveal na ng Kapamilya Network na mayroon muling proyekto si Kyle na makakasama ang aktres rin na nali-link sa kanya na si Chie Filomeno. Kamakailan rin ay nagtrending sila dahil sa pag-amin ng aktres na 'crush' niya si Kyle. 

Ito ang 'Beach Bros' ng ABS-CBN para sa Dreamscape Entertainment na nakatakda namang lumabas na ngayong taon. Naglabas na rin sila ng 'look test' at kumikinang ang tambalang Kyle-Chie sa mga kuhang litrato kasama pa ang ilang mga casts nito. 

“Yes. I’m really focusing on myself right now. Whatever projects, my Dreamscape family, whatever they give me, all different kinds of roles. 

“And at least I am happy, I am doing what I’ve been trying to do for a while and just focusing on my own career and make myself happy,” aniya pa. 

Inamin naman niyang natatakot rin siya maging isang solo artist lalo na't nasanay na siyang may ka-loveteam. 

“But I’d like to count my blessings and take it day by day and not to pressure myself on every project or in a love team and certain fame. 

“Because what a lot of people like to do is to compare themselves with whatever this person is doing. I’m really focused on trying to do my own path,” pahayag nito.

Naitanong naman kay Kyle kung ano ang reaksyon niya sa tuwing naririnig ang mga issue sa pagitan ng kanyang mga kaibigan sa The Gold Squad.

“Siyempre mahirap. Kahit paano maririnig at maririnig mo, e.

“But I am trying my best not to be part of it kahit na sinasali ako sa mga ganu’n. But like I said ang important, okay kaming apat more than anything at kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, basta okay kami sa isa’t isa ‘yun ang mahalaga. 

“Oo naman po. Okay naman po kaming apat.

“‘Yun nga, I actually said this in an interview before na kahit na magkagulo man kami sa internet, kahit na ano ang mga sinasabi ng mga tao, ang mahalaga sa aming apat ay okay kaming apat and ‘yun ang mahalaga sa amin apat,” ang mahaba-habang sabi nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post