FollowLike

Kathryn, na-excite sa proposal; Inamin ang dahilan kung bakit napa-'yes' agad

- Na-excite si Kathryn Bernardo sa proposal ng ABS-CBN na gawin nila ang comeback serye nilang '2 Good 2 Be True'

- Inamin naman niya ang isa sa dahilan kung bakit agad-agad siyang napa-'yes' na gawin ang offer na dahil sa isa pang aktor

- Sinabi naman din ni Kath kung bakit ang 2 Good 2 Be True ang kanilang napiling proyektong gampanan dahil ito umano ang kanilang unang rom-com TV series

Nakapanayam ng ABS-CBN ang kanilang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo na bibida sa comeback teleserye nila ng kanyang on-screen at real-life partner na si Daniel Padilla para sa rom-com series na '2 Good 2 Be True.'

Ibinuking din ng aktres kung sino pa ang isang taong nag-udyok sa kanya na mapa-'yes' agad-agad sa nasabing proyektong inoffer sa kanila ng Kapamilya Network.

“I got excited when they told us if ever tito Ronaldo Valdez would accept this project…kasi siya yung magiging yung lolo.

“Nu’ng sinabi yun sabi ko, ‘Oh my God I want to do this!’ Kasi it’s not just a love story yung 2 Good 2 Be True. Very relevant yung story. Maraming ma-ta-tackle na hindi natin alam nangyayari sa ibang tao,” panimula nitong pahayag.

Tila sign na nga raw ito ng universe na i-accept nila ang proposal ng ABS-CBN dahil in-align na sila na makatrabaho si Mr. Ronaldo Valdez at si Direk Mae Cruz-Alviar.

“So nu’ng nalaman namin na in-accept na ni tito Ron parang sign na yun sa akin ng universe na I think I should do this. Kasi gusto namin ng rom-com, Ibinigay romcom.

“We wanted direk Mae (Cruz-Alviar), ibinigay si direk Mae, and then tito Ron nag-yes siya. So walang reason to say no to this.

“So when they told us about that sabi na namin this was the project for us and it’s really worth doing,” ani pa ni Kath.

Post a Comment

Previous Post Next Post