FollowLike

Ella Cruz, nakaranas ng pisikal na pananakit noon: “biglang kinorner po ako ng mga...”

- Ibinahagi ng artistang si Ella Cruz ang mga negatibong karanasan niya noon sa dati niyang paaralan

- Dito niya sinabi na noong high school raw ay naranasan niyang mabully sa Bulacan at minsan pa ay sinasampal pa siya ng mga ito

- Dapat namang abangan si Ella Cruz sa 'The Seniors' kasama ang ilan pang kilalang artistang sina Julia Baretto at Awra Briguela

Madamdamin at masalimuot ang pagku-kuwento ng artistang si Ella Cruz sa mga nangyari sa kanya noong high school student pa lamang siya sa paaralan niya noon sa Bulacan. 

Sa presscon ng bago niyang proyektong 'The Seniors' kasama si Julia Baretto, Awra Briguela, at Andrea Babierra, ay ibinihagi niya kung paanong pambu-bully ang ginagawa sa kanya ng mga kapwa niya estudyante. 

“To be honest, 'yung high school talaga ang pinakamagulo na parte ng buhay ko, isa sa mga magulong parte ng buhay, kasi dun ko na-experience na ma-buIIy ako.” matapang na pagsisiwalat ng aktres. 

“Siguro kung magtatanong kayo kung ano po yung mga na-bully sa akin, 'yung isa is maliit ako. Tapos, laos na artista raw ako kapag wala akong projects, sinasabihan ako ng mga ganoon,” pag-amin pa niya. 

Bukod pa riyan, sinabi rin niyang naranasan niya umano ang mga pisikal na pananakit tulad ng pananampal. Dahil rito ay lumipat sila sa bago niyang eskwelahan sa Quezon City. 

“Sinasabi nila na nakakapasa lang kasi binabayaran ko raw yung mga teacher dahil lagi akong absent.

“One time, I’m just walking sa hallway, biglang kinorner po ako ng mga kaklase tapos bigla nila akong sinampaI, out of nowhere, na walang reason talaga. Na-experience ko po yun.” pagsasalaysay ng dalaga. 

Noong lumipat naman daw siya ng pinapasukang high school ay naging maayos ang pagtrato sa kanya ng kanyang mga kaklase at nagkaroon pa ng ilang matatalik na kaibigan.

“Thank God, nung senior year ko na, fourth year high school, lumipat ako ng school sa Quezon City. Nag-home study ako dahil yun ang time na hindi ko na kayang mag-aral ng regular o pumasok ng regular.

“Dito sa Bulacan, wala akong friends. Pero yung naging friends ko sa Quezon City, they didn’t care na artista ako. Until now, nagtutulungan kami sa mga business,” dagdag pa ni Ella.

Post a Comment

Previous Post Next Post