FollowLike

AJ Raval, mas gusto ng maging action star kaysa sa magpakita ng katawan: “nahihirapan ako mag-strip”

- Kung papapiliin si AJ Raval kung gusto nitong bumida sa isang action film o magpakita ng katawan ay isa lang ang naging sagot ni AJ

- Aniya, idol daw niya ang kanyang tatay at gustong sumunod sa yapak nito

- Ibinahagi rin niyang mas nahihirapan siyang mag-“strip” kaysa sa action stunts, diin ng dalaga

Tinupad ng Viva Films ang hiling ng sexy star na si AJ Raval patungkol sa pagiging bida sa isang action film kung saan makakasama niyang muli ang sexy actor rin na si Sean de Guzman.

Sa virtual mediacon ng bagong movie nila ni Sean nito lamang January 10, siniguro naman ni AJ na magiging iba ang kilos nila ni Sean dahil sa pagte-training. Tiniyak rin nitong mayroon silang natural chemistry ng kanyang co-star.

“Unang-una siyempre action ito at may mga training kami rito para maging astig yung mga kilos namin. Siguro yung bond namin ni Sean, meron kaming natural chemistry.”

“Yung bond namin naging mas deep kasi nagka-work na kami ng ilang beses. Also lumalabas din kami minsan kahit walang work. Siguro sa mga love scenes namin makikita niyo du’n yung love” dagdag na pagbabahagi pa ni AJ.

“May mga projects na rin kami before na marami kaming natutunan du’n na lahat ng natutunan namin nadala namin dito sa Hugas”. 'Hugas' naman ang magiging title ng kanilang bagong action movie na tila ibang-iba raw sa dati nilang pelikula. 

Mas prefer naman daw ni AJ ang pa-action ngunit open pa rin daw naman ito sa pagse-sexy. “Open na open ako sa pagpapa-sexy at sa action, pero kung kailangan pumili, mas prefer ko talaga mag-action. Siyempre, parang yung parents natin ginagaya natin.”

“Siyempre idol ko tatay ko at sa kanya ako open kung bakit nag-artista ako at paano nag-start dahil sa dad ko. Siyempre gusto ko sumunod sa yapak niya. Gusto ko mag-action din. 

Inamin rin niyang mas nahihirapan siya sa pag i-istrip kaysa sa action. May mga awkward moment pa rin daw kasi ang paghuhubad hanggang ngayon. 

“Gusto ko yung mga fight scene na MMA, may Muay Thai, parang ganu’n. Mas nahihirapan ako mag-strip kesa sa action stunts. Kasi ang action sa akin parang normal na lang din na ginagawa ko. 

“Parang nae-enjoy ko pa siya kapag tini-take yun. Pero kapag nag-i-strip naman may awkward moment pa rin ako hanggang ngayon,”

إرسال تعليق

أحدث أقدم