FollowLike

Nagbabagang Apoy Sa Gitna Ng Karagatan Ng Mexico Na Tinawag Na "Eye of Fire”, Kinatakutan

Hindi makapaniwala ang mga tao dahil sa pagbusa ng nagbabagang apoy sa ibabaw ng Gulf of Mexico, dulot ng gas leak sa isang underwater pipeline, na kalaunan ngang tinawag na “Eye of Fire” noon lamang Biyernes, ika-2 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Sinasabing nagsimula raw na tumagas ang gas sa pipeline sa Campeche Sound, bandang 5:15 ng umaga noong Biyernes, ayon sa isang pahayag ng Petroleos Mexicanos o kilala rin sa tawag na Pemex, ang kumpanya na nagma-may-ari ng naturang pipeline na isang state-owned petroleum company.

Ipinabatid din ng Pemex na agaran din nilang nirespondehan ang insidenteng nangyari matapos ma-activate ng mga security protocols, at ipadala ang mga firefighting vessels na aapula sa lumalagablab na apoy.

Nagpatuloy ang normal na operating conditions sa lugar, noong 10:45 daw ng umaga matapos masara ng mga balbula, o iyong mga bukasan o sarahan, at maapula ang apoy, saad ng Pemex. Wala rin namang mga nasugatan o nadisgrasya dahil sa insidente; patuloy din daw na iimbestigahan ang pangyayari.

Samantala, ayon naman sa executive director ng security, energy, at environment agency ng Mexico, Angel Carrizales, ipinagbigay-alam nito sa Twitter na hindi naman umano lumikha ng pagligwak ang tubo.

Sa isang video na ibinahagi ng journalist na si Manuel Lopez San Martin, makikita ang apat na barko na walang tigil na pinapatay ang apoy sa gitna ng dagat. Sinabi rin ni San Martin na ang apoy daw ay 400 metro mula sa oil platform.

Ang Pemex ay nagtala na rin ng ilang industrial accidents. Ayon sa website ng kumpanya, 81 drilling rigs, kabilang na ang 11 na malayo sa pampang, ang kanilang pinapangasiwaan.

Noong Abril, isa sa mga bukal ng Pemex sa Sota la Marina sa Tamaulipas, Mexica ay nagkaroon ng pagtagas, batay sa isang pahayag sa website nito.

Sinabi naman ng Pemex na magtatayo sila ng dam doon upang masansala ang daloy ng tubig at clay. Wala naman daw bantang panganib ang tagas, dahil wala naman daw naninirahan sa lugar na iyon.

Gayundin ang pagsiklab ng apoy sa Tula-Salamanca pipeline sa San Juan del Rio, ngunit kalaunan naman ay nasupil din ang pangyayari.

Ngunit, sa isang pagsabog ng fuel pipeline na pagmamay-ari rin ng Pemex noong Pebrero, namatay ang isang dosenang tao na noon daw ay pawang mga nasa isang illegal pipe drain upang magkalap ng paningas.

Sinabi naman ng Pemex na sampung beses sa loob ng tatlong buwan daw nilang binubutas ang tubo. Tinatayang 10,000 bariles ng gasolina ang dumaraan sa pipeline na may 20 kilograms of pressure noong ito ay pumutok.

Post a Comment

Previous Post Next Post