FollowLike

Lolit Solis, may komento sa MMFF entries ngayong taon: “Kawawa naman ang film industry...”

- Lolit Solis umaasang kikita ng pera ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival ngayong taon

- Nagbigay rin siya ng opinyon kung bakit “tamad” ang iba na lumabas ng bahay

- Sinabi rin niya na kung magtutuloy-tuloy ang mga taong hindi sumusuporta sa industriya, maraming mawawalan ng trabaho

Kilala si Lolit Solis bilang isang entertainment news writer, talent manager, at showbiz columnist. Kilala rin siya bilang Pinay talk show host at gumagawa ng ingay patungkol sa mga Pinoy celebrities.

Nito lang December 25, nagbigay naman ng komento si Lolit Solis sa mga pelikula ng MMFF at mga taong bumubuo nito sa kanyang Instagram account. Sinabi naman nitong sana'y kumita ang mga kasali sa film fest ngayong taon.

Dagdag pa niya, kawawa naman daw ang film industry kung wala na ang mga magpo-produce ng mga pelikula dahil wala nang sumusuporta rito.

“Sana naman kumita ang mga kasali sa filmfest ngayon Salve. Kawawa naman ang film industry kung mawawala na ang magpo produce dahil hindi bumabalik ang sigla ng mga manunuod.”

Nabanggit rin niya na maraming paraan upang manood. Aniya, ang iba daw ay nanonood sa kani-kanilang telepono o IPad na sanhi ng pagiging “tamad” umano ng tao sa pag punta sa sinehan.

“Kasi nga, meron iba ng mga paraan para makapanuod, iyon iba sa telepono na lang , O kaya Ipad , kaya tamad ng lumabas ng bahay. Nasa TV naman at cable ang iba. Paano na ang sinehan ? Lalo pa nga at marami ang health protocol. Watch tayo at tulungan ang industriya. Talagang ito ang taimtim na dasal ni Noel Ferrer dahil nga marami ang mawawalan ng trabaho.”

Nag-aaya rin siya upang tangkilikin ang mga pelikulang Pinoy dahil maraming mawawalan ng trabaho sa industriya at sana'y bumalik na ulit ang sigla nito.

“Talagang ito ang taimtim na dasal ni Noel Ferrer dahil nga marami ang mawawalan ng trabaho. Sana nga balik sigla na dahil maganda iyon mga trailer na napapanuod ko, mahusay iyon kay Dingdong Dantes, cute iyon kay Kim Chiu. Maganda naman ang mga ginawa , kaya sana tangkilikin. Magiging magandang regalo ito kay Noel Ferrer, di ba Gorgy at Salve. Watch tayo ng movies.”

إرسال تعليق

أحدث أقدم