FollowLike

Sikat Na Starlet Noon, Nabaliw At Naging Palaboy-Laboy Na Lamang Ngayon

Naaalala niyo pa ang dating young star na si Brandy Ayala?

Si Remedios Estrada o mas kilala sa kaniyang stage name na Brandy Ayala ay isa sa mga kilalang aktres noon sa Philippine showbiz industry.

Siya ay naging parte din ng grupo na kung tawagin ay 'Liqu0r Beauties' noong taong 1980 na pinangangalagaan ng isa sa mga magagaling at namayapa ng talent manager na si Rey Dela Cruz.


Ngunit, ibang iba na ngayon ang hitsura ni Brandy. Malayong malayo na din ang kagandahan na taglay niya noong siya ay namamayagpag pa sa industriya ng showbiz.

Ayon sa kaniyang pamangkin na si Ralph Estrada, tuluyan na umanong nawala sa sarili si Brandy dahil sa paggamit umano nito ng ipinagbabawal na gam0t noong mga panahon ng kaniyang kasikatan bilang artista.


Mas lalo pang lumala ang sitwasyon ni Brandy noong 1997 dahilan para siya ay magpalaboy laboy sa siyudad.

Base sa iilang mga nakakakilala pa sa kaniya, madalas umano nilang makita si Brandy na nasa paligid ng SM City San Lazaro at SM City Manila.

Nanghihingi umano ng limos na pagkain at pera ang dating starlet habang ito ay naglalakad lakad sa ka-maynilaan.


Ayon kay Ralph, kahit pa man naging ganito ang takbo ng buhay ng kaniyang tiyahin na si Brandy ay nakukuha pa din naman umano nitong umuwi sa kanilang tahanan.

Ngunit noong Marso 15 nang magsimula ang ECQ sa bansa ay hindi na nila nakita at hindi na umuwi ng bahay si Brandy dahilan para mag-alala ang kaniyang pamangkin na si Ralph.

Saad ni Ralph, natatakot at nangangamba umano siya para sa kaniyang tiyahin na baka lalo pang lumala ang sitwasyon nito kung ito ay hindi nabibigyan o nakakakain ng sapat na pagkain.

Hiling ni Ralph na sana ay matagpuan na kaagad si Brandy, lalo ngayong panahon ng pand3miya kung saan maaaring may mangyari dito na hindi kanais nais habang nagpapalakad lakad sa kalsada.

Saad naman ng mga nakakita ay huli umano nilang namataan ang dating starlet sa Mandaluyong ngunit hindi na matutukan ni Ralph ang paghahanap sa nawawalang tiyahin dahil sa kakulangang pinansyal.


إرسال تعليق

أحدث أقدم