Nagbigay ng paalala ang bida sa pelikulang 'My Amanda' na si Piolo Pascual sa publiko, lalo na sa mga nais pumasok sa isang relasyon.
Sa ulat ng PUSH, sinabi ni Piolo na dapat ay kilalanin muna ng mabuti at kilatisin ang isang tao nila pasukin ang pakikipagrelasyon. Ayon pa kay Piolo, huwag magmadali sa lahat ng bagay, lalo na sa pakikipagrelasyon.
Aniya,
“Don’t fall too soon. Make sure you know the person first. I know it’s so easy for us to fall in love but the thing is, nowadays it’s just everywhere. You know it’s so easy be with somebody. You got to treasure that.”
Dagdag pa ni Piolo,
“You got to make sure that you’re making the right decision. It’s not always right but enjoy it, savor it. And don’t rush into anything.”
Dagdag pa ng aktor, natutunan umano niya sa pelikula nila ni Alessandra de Rossi na minsan ay mas mahalaga na pangalagaan ang pagkakaibigan.
“I guess what was important for me, as TJ, without giving away too much, is not to cross the line because you value the friendship too much that there’s more to it than being romantic."
Saad pa ni Piolo, kung importante sa buhay mo ang tao kahit pa man hindi mo ito maging kasintahan at magpatuloy kayo sa pagkakaibigan ay mananatili pa din ito sa iyong buhay.
Katulad na lamang ng kaniyang karakter para sa kaniyang pelikula na 'My Amanda', na kahit siya ay nagkaroon ng iba't ibang ka-relasyoan ay hindi pa din nawala sa tabi niya ang kaniyang kaibigan na si Amanda na ginampanan ng aktres na si Alessandra de Rossi.
“If you really have the purest of intentions, then it is possible to not cross the line and just be there for each other, just be there for that person that you value the most. Because no matter how many relationships I’ve had in this film, she was always there."
“No matter how loud she was, no matter how annoying she could get, she was always there and that’s what I needed. I didn’t want to talk. And it just made so much sense in the end.”
Nangunguna na ngayon sa listahan ng mga popular na Pinoy title ang 'My Amanda' ilang araw lamang noong inilabas ito sa streaming app na Netflix. Ang naturang pelikula ay iikot sa kwento ng magkaibigan na sina TJ at Amanda.
Ang "My Amanda' ay ilalabas sana noong taong 2020 ngunit ito ay naudlot dahil sa pand3miya. Nitong Hulyo 15 ngayong taon ay inilabas ang naturang pelikula sa Netflix.