FollowLike

Janus Del Prado, Nagpasaring Sa Kabilang Network At Mga Pumuna Sa Paglipat Ng Kaibigang Si Bea Alonzo Sa GMA-7

Nagpatutsada ang dating aktor na si Janus del Prado sa mga netizen na namumuna sa kaibigang aktres na si Bea Alonzo matapos nga nitong lumipat ng network.

Nito lamang ika-1 ng Hulyo, pumirma na ng eksklusibong kontrata sa GMA Network si Bea: na talaga namang pinag-usapan ng sambayanan.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga tao; mayroong excited para sa bagong daan na tinatahak ng aktres, mga nalungkot sa tuluyang pag-alis ni Bea sa ABS-CBN ngunit hindi rin maiiwasan iyong mga taong nambabatikos sa desisyon ng aktres.

Inaakusahan ng mga ito na wala raw utang na loob ang aktres sapagkat nilayasan umano nito ang dating network matapos ang pagiging ‘Kapamilya’ ng halos dalawang dekada.

Kung kaya naman hindi na naiwasan ni Janus na magpost ng isang photo message sa Instagram ni Janus, kahapon lamang Miyerkules, ika-7 ng Hulyo, na naglalaman ng misteryosong mensahe na nagpapatungkol sa “loyalty” o iyong katapatan.

“Loyalty is a two-way street. If you’re asking it from me, make sure I’m getting it from you.” Ito ang mga katagang idinidiin ni Janus sa kaniyang post.

Kalakip din nito sa caption ang pahayag ni Janus: “Repost ko lang sa mga hindi makaintindi how loyalty works.

“Bago niyo nga pala sabihan na hindi marunong tumanaw ng utang na loob yung tao, make sure na may utang na loob na kailangang tanawin.”


Sinabi rin niyang pinaghirapan naman daw ng taong kaniyang tinutukoy ang kinalalagyan nito ngayon. Hindi man direktang nabanggit ang pangalan ni Bea, marami ang naka-intindi na para ito sa mga nambabatikos sa aktres.

Karamihan sa mga netizens ay natuwa sa pagtatanggol na ito ni Janus sa kaibigang aktres. Kanila ring kinumento ang pangalan ni Bea sa naturang socmed platform.

Pagtanggol pa niya: “It’s not like they gave her handouts, pinaghirapan niya naman kung nasan siya ngayon. At kumita din naman sila ng malaki sa karera niya.

“Gratitude is given, not demanded at ibinigay niya naman iyon.”

Naging parte rin ang lalaki ng Star Magic, ngunit pinili na niyang maging isang freelance artist noong Pebrero ngayong taon lang din. Kung kaya naman hiniling niyang tigilan na ng mga tao ang pangongonsensya sa ‘mga umalis at lumipat’ dahil kailangan din daw nilang maghanap buhay para sa mga umaasa sa kanila.

“Stop this guilt trip bullshit sa mga umalis at lumipat. Kailangan naming magtrabaho para sa sarili at mga taong umaasa sa amin. Kikitid ng utak amputa.”

Bukod kay Bea, mayroon na ring mga dating Kapamilya artists na lumipat na sa GMA Network katulad na lamang nina Christopher De Leon, Clarence Delgado, Thou Reyes at iba pa.

Post a Comment

Previous Post Next Post