FollowLike

Misteryosong Lalake Na Naka-Croptop Kapag Nasa Labas At Tadtad Ng Tatt00, Ginulat Ang Lahat Sa Totoong Pagkatao Nito

Nagulat ang mga madla matapos malaman ang tunay na katauhan ng lalaki sa isang video na naka-crop top at tadtad ng tatt00 sa katawan.

Siya pala ay isang hari, hindi lamang basta ‘hari’ kundi ang pinakamayamang hari sa buong mundo.

Isa sa mga kontrobersiyal na monarkiya sa kasaysayan ang hari ng Thailand na si Maha Vajiralongkorn na may opisyal na pangalan na King Rama X. Siya ang ika-sampung hari ng Chakri dynasty ng Thailand.

Matapos ngang pumanaw ang dating hari na siya namang ama nito, noong Oktubre 2016, kinorohanan na ang kasalukuyang hari noong ika-4 ng Mayo, 2019.

Ang nasabing koronasyon ay ginanap sa Grand Palace sa Bangkok at ang pagdiriwang ngang ito ay nagkakahalaga ng 31 milyong dolyar o humigit-kumulang 1.5 bilyong piso.


Mayroong tinatayang 43 bilyong dolyar o dalawang trilyong pesos na net worth ang hari, habang ang kaniya namang mga royal assets ay hindi hihigit sa 70 bilyong dolyar.

Hindi rin mabibilang sa mga kamay ang kaniyang mga ari-arian. Halos lahat ng kaniyang mga sasakyan, pandagat, panghimapapawid o pang-lupa man ay talaga namang nakakalula ang halaga; sapat nang pangbuhay ng buong bansa.

Nasa pagmamay-ari rin nito ang 16,000 na ektaryang kalupaan sa Thailand na inuupahan naman ng mga negosyante at ibang mga mamamayan sa naturang bansa.

Gayundin ang Grace Palace Complex na siyang official residence ng mga hari mula noong taong 1785, ngunit ngayon nga’y nagagamit na lamang kapag may mga seremonyal na gawain ang maharlikhang pamilya.

Sa ngayon nga’y nakatira ang hari ng Thailand sa Dusit Palace.

Bukod pa sa mga sasakyan, iba’t-ibang mga kagamitan na ilang milyon din ang halaga ang nasa mga kamay ng hari. Sa ilalim naman ng batas ng Thailand, lahat ng putting elepante ay siyang pag-mamay-ari ng hari. Ang putting elepante ay sumisimbolo sa kalinisan.

Ang dating hari na si King Bhumibol Adulyadej ay isa sa mga magigiting na hari sa kasaysayan ng Thailand. Marami ang humahanga rito kung kaya naman hindi maiiwasang marami rin ang nalungkot sa pagkamatay nito.

Kaiba sa ama, ang kasalukuyang hari ngayon ay maraming kinahaharap na kritisismo at kontrobersiya.

Si Haring Maha Vajiralongkorn ay apat na beses nang ikinasal at tatlong beses nang na-divorce. Ang pang-apat ngang asawa nito ay si Reyna Sudittha. Bukod pa rito, mayroon din itong mga ‘concubine’ o mga ibang babae bukod pa sa asawa nito.


Ang may hawak nga ng opisyal na titulo ng ‘Royal Concubine of the King of Thailand’ ay si Sininat.

Isa rin sa mga isyung kinahaharap ng hari ay ang madalas na pag-alis nito sa bansa papuntang Germany.

Sa kalagitnaan nga ng pandemya, habang nakikipaglaban ang Thailand sa banta ng C0VID-I9, tumuloy daw sa isang 4-star hotel sa Germany na ayon pa nga sa mga ulat ay may kasamang 20 escorts.


Dahil nga rito, hindi na napigilan pa ang ibang mga mamamayan ng Thailand na magprotesta; kinukuwestyon kung bakit daw kailangan pa nila ng hari.

إرسال تعليق

أحدث أقدم