FollowLike

Liezel Lopez, Kinumpirma Na Hiwalay Na Sila Ni Kritoffer Martin At May Pasaring Sa SocMed

Matatandaan noong Abril sa panayam ng The Boobay and Tekla Show kay Kristoffer Martin ay inamin ng actor ang tungkol sa relasyon nila ng kaniyang 'Babawiin Ko Ang Lahat' co-star na si Liaezel Garcia.

Unang nakilala ng publiko si Liezel noong ito ay sumali sa reality artista search ng GMA Network na Starstruck.

Mula noon ay napanood na siya sa Bubble Gang at madalas na gumaganap bilang kontrabida sa teleserye ng GMA07.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang dalawa sa social media matapos mapansin ng ilang netizens na tila wala na ang mga larawan nila ng magkasama sa kani-kanilang mga social media account at maging ang video nila sa TikTok ay wala na din.

Kinumpirma din ni Liezel ang tungkol sa isyu na hiwalay na sila ni Kristoffer nang sagutin ang tanong ng isang netizen kung bakit hindi siya kasama sa swimming nila sa Bohol at kung hiwalay na ba talaga sila.

Aniya,

"Oh yeah i know about sa bohol, kami nag plan non eh hahaha ayoko lang sumama kasi nakipag hiwalay na ako."

Samantala, matapos nito ay sunod sunod naman ang naging post ni Kristoffer sa kaniyang social media account.


"La lang. Naaappreciate ko lang mga ginagawa ni L𝔬rd sa buhay ko. Dami kong realizations. Daming nangyari na akala ko walang sagot pero laging nasa harap ko lang pala. He provides just enough. Mas naging kuntento ako sa mga bag𝔞y at buhay na meron ako ngayon," ani ng aktor.

"Kakatuwa mga friends ko. “Ang sarap makita na ang saya saya mo” “bat ka blooming?” “Tuloy mo yan mas bagay sayo”. Utang ko to sa inyo. Kasi nandyan kayo nung b𝔞gsak ako."


Disyembre 2020 noong napabalita na hiwalay na si Kristoffer sa kaniyang dating girlfriend at live-in partner na si AC Banzon. Sinasabi na third party umano ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Sila ay biniyayaan naman ng anak na si Pre.

إرسال تعليق

أحدث أقدم