FollowLike

Jean Garcia, Di Na Nakapagpigil Pa At Binanatan Na Ang Son-In-Law Na Si Alwyn Uytingco

Ayon sa isang pahayag, isinaad ni Jennica na sila ni Alwyn na mayroong dalawang anak na babae ay magkahiwalay na.

"From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made," makahulagang pahayag ni Jennica sa isang interview. 

Ngunit dahil sa maraming paparinig ni Alwyn sa IG post nito, hindi naman nakapag pigil ang ina ni Jennica na mag komento tungkol dito.


June 28 ng magkasagutan sina Alwyn at Jean sa socmed. Dahil nga sa walang tigil na pag popost ni Alwyn ng mga ibat ibang pahayag tungkol sa hiwalayan nila ni Jennica.

Ito ang ilang komento ni Jean sa mga post ni Alwyn.

"Talaga ba yan Alwyn?!!! Sana sinagot mo message ko sayo... respeto kase yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!"


"Haaayyy kawawa kase ikaw di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…yun lang naman…just saying!!!" dagdag ng beterenang aktres.

Gigil na komento ni Jean dahil nga ni hindi lang man masagot ni Alwyn ang mga private messages nito.

Sadyang ginampanan lang ni Jean ang kanyang pagiging Ina nito kay Jennica dahil di umano makatarungan ang ginawa nito kay Jennica habang sila at magkasama pa. 

Ngayon ding araw ay may cryptic post si Jean sa kanyang verified Instagram account.

Isa itong quote card na ang nilalaman ay ganito: "A REAL MAN chooses to honor, love, respect, adore, and be faithful to one woman."

Walang tinukoy na pangalan si Jean sa kanyang caption:

 "aawww…just saying…again!!!"

Pahayag naman ni Jennica na hindi financial problem ang hinarap nila ni Alwyn kung bakit sila nag ka hiwalay.

Si Jennica Garcia 31 years old ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong February 12, 2014 sa isang Christian ceremony sa Greenhills, San Juan City.

Post a Comment

Previous Post Next Post