Ibinuking ng TV host-commedienne na si Melai Cantiveros kung gaano kabuting tao at kaibigan ang kapamilya actress na si Erich Gonzales.
Sabi ni Melai, hindi niya makakalimutan ang mga kabutihang ipinakita sa kanya ni Erich noong nagkasama sila sa Pelikulang "I Do" at sa teleserye ng ABS-CBN na "Two Wives."
Ang sabi ni Melai, talagang ipinaglalaban at pinapahalagahan daw ni Erich ang kanyang mga kaibigan.
"Sobra ka talagang magiging konteto ka sa kanya pa lang. Si Erich kasi ‘pag namili ng kaibigan talagang hindi ka niya titigilan. Talagang susundan at susundan ka niya,” sabi pa ni Melai.
Ayon kay Erich mas pinapahalagahan niya ang “quality” kumpara sa “quantity” pagdating sa pakikipagkaibigan.
Aniya, “Alam natin mahirap talagang magtiwala hindi ba? Pero for me once na naibigay ko 'yung tiwala, gagawin ko talaga lahat to keep that friendship, aalagaan ko iyon."
"Kasi rare rin naman 'yung mga taong nakagaanan mo ng loob na alam mong you can trust also," paliwanag ng aktres na bida uli sa bagong kapamilya series na "La Vida Lena"
Bakas naman sa paglalarawan ni Melai ang paghanga niya kay Erich dahil sa kanyang pagiging mapagbigay.
Ang kwento ni Melai, "Ay, sobra, ang experience ko diyan. Lahat ng mga gamit niya, ‘Mels, sa iyo na ito.’ sabi ni Erich . Yung parang ‘ang ganda naman niyan.’ sabi ko (Melai). "sa iyo na 'yan."(Erich). Ano ka ba Ers, nagandahan lang ako." (Melai) " Mels, dito ka sa dressing room ko." (Erich). Ers, alam mo magkaibigan tayo, pero hindi ako ganyan, ayaw kong gamitin ba na ganoon ba, Ito talaga grabe ka- generous."
Maituturing na mga seasoned actress sila Erich at Melai. Pareho silang produkto ng reality shows ng AS-BS-SBN.
Madalang din sa industriyang ginagalawan nila ang makahanap ng tunay na kaibigan kaya naman nakakatuwang malaman na mayroong katulad nila pinahahalagahan ang kaibigan sa kabila ng kasikatan.