Makikita sa isang video na ibinahagi ng isang netizen ang ilang sandali sa himpapawid ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) bago ito bumagsak sa Jolo, Sulu nito lamang Lunes, ika-5 ng Hulyo, taong kasalukuyan.
Mag-la-landing sana ang naturang eroplano sa runway sa Jolo, Sulu ngunit, bigla na lamang nagdire-diretso at uluyan nang lumampas sa lalanding-an nito.
Ilang segundo pa matapos nitong mawala sa paningin ng mga tao roon, lumabas ang maitim at malaking usok sa kapunuang pinaghantungan ng eruplano.
Kaagad namang nagtakbuhan ang ilang mga sundalo patungo sa lugar na iyon at rumesponde.
Pagdating nila sa lugar na iyon, makikita sa isa pang video na sinusubukan ng mga sundalo at ilang sibilyan mula sa lugar na iligtas ang ilan mula sa crash site, kung saan ay lumalagablab ang apoy dahil sa pagsabog.
Nakahandusay ang iba; ang ilan rito ay mapalad na buhay at binibigyan ng paunang lunas ng mga tao roon. Ngunit, sa kasawiang palad, ang iba ay mga labi na lamang.
Umakyat na sa 52 ang patay habang higit 40 naman ang sugatan sa nangyaring plane crash.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, 92 personnel kasama ang tatlong piloto at limang crew ang sakay ng C-130. Ilan nga sa mga ito, nasunog na ang mga katawan. Halos lahat daw dito ay sundalo at tatlo naman ang sibilyan, hinggil kay AFP Spokesman Major General Edgard Arevalo. (Mula sa balita ng GMA News)
Tuluyang nawasak ang mga bahagi ng C-130, putol din ang buntot nito.
Ayon sa Philippine Airlines, nag-take-off daw ang eruplano noong Linggo raw ng umaga, patungong Cagayan De Oro bago tuluyang lumipad papuntang Jolo, Sulu. Bahagi raw ito ng routine rotation ng mga personnel sa area ng deployment. (Ulat ni Mark Salazar ng GMA News)
Samantala, itinuturing daw itong deadliest at pinakamalalang pagbagsak ng isang air asset ng PAF, ayon sa panayam ng Agence France-Presse sa isang military historian at analyst.