FollowLike

Dating OB Nurse, Nagbigay Babala Sa Mga Babaeng Nagkaka-Dysmenorrhea Tuwing May Period

Karaniwan sa mga babae ang makaramdam ng dysmenorrhea sa tuwing sasapit ang kanilang buwanang dalaw.

Kaya naman pinagsawalang bahala lamang ni Sarah Mae Abo, dating OB surgical nurse, ang nararamdamang period cramps tuwing darating ang kanyang monthly menstrual period.

Pagbabahagi niya, nasorpresa umano siya nang minsang sumailalim sa OB check dahil nadiskubre ang isang Dermoid Cyst na 9 CM ang laki sa loob ng kanyang kaliwang obaryo. Ang bukol na ito ay kasing laki ng ulo ng isang bagong silang na sanggol.

Sa pamamagitan ng socmed ay ikinuwento ni Sarah Mae ang kanyang karanasan upang tumaas ang kamalayan ng mga kababaihan na nakararanas ng parehong kondisyon.

Sabi niya sa kanyang FB post, "This is to raise awareness for every woman who's experiencing dysmenorrhea that seems to be normal."

Ayon sa kanya, regular ang kanyang buwanag dalaw kaya malayo sa isip niya na may mas malalim na dahilan ang dinaranas niyang dysmenorrhea.

“… Cause I thought having a monthly dysmenorrhea was normal.”

Sa pamamagitan ng isang hindi planadong pagkakataon ay nalaman ni Sarah Mae na may bukol siya sa kanyang matres dahilan ng matinding dysmenorrhea tuwing menstrual period nang yayain siya ng kanyang ina na sumailalim din sa OB check-up.


"Nako may dermoid cyst ka, 9 cm na kasing laki ng ulo ng baby." was the exact words of the OB-GYNE.

Ano nga ba ang Dermoid Cyst?

Ang cyst na ito ay binubuo ng buhok, fluid, teeth o skin glands na makikita sa balat o loob ng balat natin. Ang cyst na ito ay hindi masakit puwera na lang kung na-rapture ito. Tatanggalin lang ito ng mga dalubhasa upang ikaw ay gumaling.

Paglalahad pa ng dalaga, kailangang tanggalin ang bukol na nakita sa kanya. Ngunit nilinaw niya na hindi naman ito nangangahulugan na hindi na siya maaaring magkaroon ng anak sa hinaharap.

Kung ikaw ay babae na nakararanas ng matinding period cramps tuwing may regla at malaki ang puson ngunit hindi naman busog ay marapat lamang na kumonsulta sa eksperto.

Wika nga ni ni Sarah Mae sa pagtatapos ng kanyang post, "This is for every girls awareness, have yourselves checked before it's too late."

Mahalagang maging mapanuri sa mga nararamdaman ng katawan. Kung hindi sigurado ay maiging komunsulta sa mga eksperto bago pa mahuli ang lahat.

Post a Comment

Previous Post Next Post