FollowLike

Denise Laurel, Ikinwento Kung Paano Naapektuhan Ng Puyat Ang Kanyang Katawan

Ano man ang gawin natin sa ating katawan ngayon ay siyang magiging resulta kapag tayo ay tumatanda na sa buhay.

Ito ang nangyari sa aktres na si Denise Laurel, matapos makaramdan ng ilang sintomas sa kanyang katawan habang siya ay nasa taping at kasalukuyang gumaganap noon sa Your Face Sounds Familiar 2.

Habang naka perform sa Your Face, nakaramdam ang aktres ng unusual sa kanyang katawan.

“I couldn’t understand because I was so healthy, I was working out, I was doing soap and Your Face at the same time, pero I was gaining weight,” saad niya sa isang interview (Philippine Entertainment Portal noong nakaraang taong, sa Wellness Moms event ng P&G Philippines and Robinsons Supermarket.


“Yun pala that’s my body, it’s stressed na."dagdag niya.

“My body started acting up.”

Ang kanyang ginawa pagkatapos nito ay magpa check up. Which is ito rin ang kanyang advice sa ilang tao  kapag nakaramdam na ng unusual pagdating sa katawan.

“They found a mass in my breast, my lymph nodes, and in my ovaries. I have cysts all over!”

15 years old noon si Denise matapos madiskubre ng Star Magic na si Johnny Manahan matapos itong mag perform sa Repertory Philippines. Pagkatapos nito, dito na nag simula ang karera ni Denise sa pagiging theater aktor. 


“Twenty-one years of non-stop working and pushing myself to the limits sometimes, which I love to do. Nobody forced me, I loved to do that. I was younger, fit, because I exercise, what could go wrong, right?,” saad ng aktres.

Dahil dito madalas na siya nakaramdam ng puyat sa katawan at kahit na nag eehersiyo ay nasa di magandang kondisyon parin ang kanyang katawan kaya ito nag totally break down dahil sa hindi na ito kaya.

“No one is really invincible.” saad pa ni Denise.

Okay na ba siya ngayon?

Ayon sa kanyang IG post, “I know some of you have been wondering what I've been up to. I've been on a break, getting healthy, and today is a beautiful day because I just found out I do not have cancer.”

Habang tayo ay bata pa wag natin pabayaan ang ating kalusugan dahil sa huli tayo rin ang mababahala.

إرسال تعليق

أحدث أقدم