FollowLike

Dayuhan Na Tinulungan Ang Mga Kaibigang Pinoy Noon, Iniwan Lamang At Ngayo'y Isa Nang Pulubi


Mayroong mga pagkakataon na ang ibang mga Filipino, partikular na ang mga Pinay, na humahanap ng mga foreigners para din sila ay maging mayaman. Hindi naman din lingid sa kaalaman nating lahat, ang mga foreigners din ang isa sa mga makakatulong para makaahon sa kahirapan, para sa ibang mga Pinay.

Dahil ang Pilipinas ay kabilang sa nasa third-world country, ang mga taong naninirahan dito ay maaalalahanin at ang pagtira din dito ay hindi kinakailangan ng malaking pera, normal na din para sa mga foreigners ang manirahan at maghanap ng kanilang mapapangasawa dito sa Pilipinas.

Habang ang iba ay swerte na mahanap ng kanilang 'true love', totoong pagkakaibigan, at para na din manatili sa Pilipinas, ang iba naman ay hindi. Katulad na lamang ng nangyari sa isang foreigner man na ito.

Isang netizen na si Bilogzkie A. Borromero ay kumuha ng larawan kasama ang namamalimos na foreigner ang kamakailan lamang umagaw ng atensyon sa socmed.


Nag-upload si Borromeo ng kaniyang larawan kasama ang foreigner sa kaniyang Facebook account. Ang post ay nakakuha ng nasa 14,000 reactions, 7,000 comments, at 40,000 shares.

Kwento ni Borromeo, nakita niya daw ang foreigner sa labas ng kaniyang pinagtatrabaho at ito ay tila gutom na gutom kaya naman binigyan niya ito ng pagkain.

Sinabi din ni Borromeo na ang foreigner ay isang Amerikano at ang kaniyang pangalan ay si Michael. Gayunpaman, ang foreigner ay hindi mapatotohanan ang kaniyang apelyido. Sinabi nito na siya ay iniwang mag-isa at sinaktan ng mga tao na kaniyang tinulungan.


Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng reaction sa kasalukuyang sitwasyon ng foreigner. Gayunpaman, may isang netizen ang nagsabi na sana daw ay kinumpleto ni Borromeo ang impormasyon tungkol sa foreigner, katulad ng lugar kung saan niya ito nakita.

Isa namang netizen ang nagkomento tungkol sa kaniyang nawawalang kamag-anak na isa ding American at Michael din ang pangalan nito.

إرسال تعليق

أحدث أقدم