Inihayag ng isang socmed page na 'Pinoy History' sa isa nilang post ang mga maringal na kasalang naganap sa kasaysayan ng Pilipinas.
Kalakip nga ang mga litrato ng mga itinampok na mga bride at groom, ipinakita ang mga tinantiyang halaga ng nasabing mga kasalan. Bukod pa roon ibinahagi rin ang mga petsa kung kailan nangyari ang kasal.
Ang Top 10 nga sa 'Grandest Filipino-Wedding in History' ay sina dating Presidente Ferdinand Emmanuel Marcos at Imelda Romualdez.
Ang kanilang kasal noong ika-1 ng Mayo, 1954 ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 2,300,000.00.
Hindi na rin nakapagtataka sapagkat galing ito sa pamilya ng mga politiko at sumunod din siya sa yapak ng kaniyang pamilya noong siya ay maging Presidente mula ika-30 ng Disyembre, 1965 hanggang ika-25 Pebrero,1986.
Sumunod naman sina Gabriel "Gabby" Concepcion at Sharon Cuneta, na ang kasal noong ika-23 ng Setyembre 1984 ay nagkakahalaga ng Pitong milyong piso, nang in-adjust sa Inflation, ngunit kung ilalahad ang halaga nito noong taong 1984 3.8 milyong piso ang magiging halaga nito.
Nagkaroon ng isang anak ang dalawa, at ito nga ay si KC Concepcion. Sa kasamaang palad, naghiwalay ang dalawa noong Agosto 1987, tatlong taon matapos ikasal.
Sinusundan naman ito nang kasalan nina Anne Curtis-Smith at Erwan Heussaff na ginanap noong ika-12 ng Nobyembre, 2017. Nagkakahalaga ito ng tinatayang 17 milyong piso.
Pang-pito naman sina Potenciano Larrazabal III at Donna Yrastorza na ikinasal noong ika-19 ng Setyembre,1998.
Humigit-kumulang 25 milyong piso ang naging halaga ng kanilang kasalan.
Sina Ariel "Aga" Muhlach at Charlene Mae Bonnin naman na nag-isang dibdib noong ika-28 ng Mayo, 2001 ay mayroong tinatayang 27 milyon na halaga ng pagpapakasal.
Sunod naman, sa panglimang pwesto ay sina Yilmaz Bektas at Sharmaine Ruffa Gutierrez na ang kasalang ginanap noong ika-25 ng Mayo, 2003 ay nagkakahalaga ng 28 milyon din.
Ngunit, sa kasamaang palad, naghiwalay din ang dalawa noong taong 2007 dahil magkaiba raw ng kultura ang dalawa.
Kalaunan nga'y inamin ni Ruffa na nakaranas siya ng pisikal at emosyonal na pang-aabuso mula sa dating asawa. Mayroong dalawang anak ang mga ito at tuluyan ngang na-annul ang dalawa noong taong 2012.
Ang kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna noong ika-30 ng Emero, 2016 ang pang-apat sa listahan. Nagkakahalaga ng tinatayang 84.5 milyong piso ang naging kasalan ng dalawa.
Noong ika-14 naman ng Marso, 2004 ikinasal sina Jules Ledesma at Assunta de Rossi.
98 milyong piso naman ang estimated wedding cost ng dalawa na pangatlo sa Top 10 Grand Filipino-Wedding in the History.
Sumunod naman ang kasalan nina Jose Sixto Raphael Dante at Marian Gracia o mas kilala bilang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Naganap ang kasal ng dalawa noong ika-30 ng Disyembre, 2014.
Naging kontrobersyal ang kasal ng dalawa dahil na rin sa pagka-engrande nito kung saan ay nagkakahalaga ng mahigit-kumulang 103 milyong piso.
Ang pinaka-engrande pa nga sa pinaka-engrande na kasalang nangyari sa Pilipinas ay ang kasal nina Doctor Vicky Belo at Hayden Kho Jr. noong ika-2 ng Setyembre, 2017.
Tinatayang 502 milyong piso o kalahating bilyong piso ang naging halaga ng kanilang kasal. Ito ay talaga namang nakamamangha dahil sa pagka-engrande nito.
Engrande man o simple, mahal man o hindi ang naging halaga ng kasalan, anupaman yan basta't magmamahalan ang dalawang tao at iginagalang ang sakramento ng kasal, wala nang hihigit pa rito.