FollowLike

Paolo Gumabao, Ibinahagi Ang Madamdaming Pagkikita Nila Ng Biological Father Niyang Si Dennis Roldan

“My Stepfather  took care of my Mom since pinagbubuntis ako. So ever since ipinanganak ako iyong Stepfather ko na ang nag-alaga sa akin. “ pahayag ni Paolo sa virtual nausapan via Zoom.

"When I reached one year old, tsaka lang naayos ang Adoption papers ko  at napalitan ang last name ko into Chen, lumipat na kami sa Taiwan. Doon ako lumaki and my first language is Chinese."

Dagdag ni Paolo, nung nag trese anyos daw sya ay lumipat na siya dito sa Pinas.

"Nag-aral ako sa probinsiya namin sa Virac, Catanduanes  sa Bicol.  And noong lumipat ako dito sa manila at the age of 14 years old doon ko nalaman na hindi ko pala totong tatay ang Stepfather ko."


Isang araw daw, narining niya ang kanyang ina at tiyahin na nag-uusap.

"I heard my Mom and my Tita’s talking, “Kelan mo sasabihin kay Pau ang totoo ?”Ang sabi ko, “What are you guys talking?” then my mom said, “Come here I need to tell you something.""

"Dun na sinabi ng Mom ko na ang aking 'Papa' ay di ko totoong tatay. At si Dennis Roldan pala yung real Father ko. Sabi ko “ Who’s that?”  Mom said “ His an actor back in the 80’s.” sabi ko “Ok cool!""

Di naman daw sya nagalit nang malaman ang totoo.

"Sabi ko “Why will I be mad? Papa didn’t have to take care of me, but he did.” “He didn’t have to treat me as his own son, but he did. So,  bakit naman ako magagalit?”

There was a time din daw na nakasalubong sila ng friend ng kanyang Iia at ni Dennis Roldan at napagwentuhan nila ang ama.

"Nagkakuwentuhan  kami, she asked if nagkita na kami ng biological father ko. I said not yet tita. Before we parted ways I asked if my number siya ni Dennis Roldan sabi niya “Meron, Bakit you want it?” sabi ko “Yes Tita!”

Nung nakuha na niya yung numero ng ama na si Dennis, tinawagan niya daw ito agad-agad. Pero nung sinagot ito ay di niya daw alam ang sasabihin niya kaya binaba niya din ang telepono.

Noong panahon na iyon ay Malaya pa si Dennis at after two to three months ang lumipas tumawag ulit si Paolo sa kanyang biological  Father.

"Dumating sa point na kailangan ko na siya talagang i-meet. So I called again. “Hello,is this Dennis Roldan?” “Yes, who is this?” sabi ko “Ahh, my name is Pau, sabi po sa akin ng Mommy ko tatay daw kita.”

"Sabi niya “Ha? Sinong nanay mo?” Sabi ko Sheryl  Sorreta” “Ah, hindi ko maalala eh. Taga saan ka ba?  Taga Ortigas ako. At that time, I used to live in Ortigas.  Sabi niya “Ahh, talaga? Andito ako sa Home Depot ngayon sa tapat ng Meralco, Kita tayo."

Dagdag ni Paulo, "To cut the long story short. Nagkita kami sa Aisle 7 ng Home Depot.  Lumapit ako sa kanya, tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Sabi niya “Anak nga kita.” “Ha! Ha! Ha!” sabi ko “Hindi napo ba tayo magpapa-DNA test?” “Hindi na kailangan,anak nga kita.” “Ha! Ha! Ha!”

Sa kasalukuyan nasa kulungan si Dennis Roldan dahil sa napatunayan siyang Guilty sa kaso kidnapping sa isang Pilipino-Chinese boy noong 2005 ang hatol sa kanya ay Reclusion perpetua o Lifetime imprisonment .  At dahil sa pandemic  naging Strict sila sa Bilibid, bawal ang dalaw.

Post a Comment

Previous Post Next Post