Si Alexander Co Dela Cruz Jr. ay nanggaling sa isang 11-year relationship bago niya nakarelasyon ang kanyang misis.
Ayon sa kanya palagiang biro niya sa kanyang asawa na "NA-ISAHAN kita- Isang buwan na ligawan, sinagot ako. Isang buwan na BF/GF, nag-propose ako. Isang taon after KASAL na kami. At hanggang ngaun, masaya. Sobra."
Heto ang explenasyon niya tungkol sa issue na bakit walang nagpapaliwanag ng side ng mga lalaking galing sa isang "long-tem relationship", naghiwalay tapos nagpasakal sa bagong karelasyon agad-agad:
"Una PEACE OF MIND. Ito ay nakuha niya sa kanyang asawa. Eto iyong araw araw naka focus ka sa pagsasama ninyong mag-asawa. Heto iyong nakahanda ka na siya ang iyong kasa kasama. Mula sa topak at happy moods, pagka gising sa umaga at bago matulog sa gabi. marinig mo lang si misis, kahit may ipaaabot sa iyo kahit malapit lang sa kanya. Eto din iyong panahon na may gustong kang bilhin na bagong parts ng motor, bagong Lego, camera gear o bagong laro sa paborito mong gaming console, eh kukunin mo pa iyong opinion niya bilang respeto."
Ayon pa kay Alexander, "Naniniwala kasi ako sa mantra na #HappyWifeHappyLife. Ito iyong nag mature na tayo bilang lalaki. Saan ang PEACE OF MIND doon?"
"Si Peace of Mind, may kakambal yan eh. Siya si STABILITY. Tapos may pinsan din sila, si CONTENTMENT. At ang panghuli ay si HAPPINESS."
Ayon pa kay Alexander, "Men feel Peace when everything is Stable- Physically, Mentally, Spiritually, Emotionally and Financially. When you are in stable state, you feel contented with what you have but you might not always feel happy. Pero pag nahanap mo ang Happiness at Stability with your partner and no one else, that is LEGIT PEACE OF MIND.
So wala daw mali kung nanggaling tayo sa long relationship, naghiwalay tapos nagpakasal agad sa bagong ka relasyon as long at hindi natin pinagsabay. Itama mo, para lahat ng bagay tama, kakampi ninyo pati ang tadhana huling pahayg ni Alexander.
Napakagandang mga mensahe ni Alexander sa kanyang FB post subalit iba ang mga pahayag ng mga netizen sa kanyang post.
Heto ang ilan sa mga komento:
"Anong peace of mind peace of mind na pinagsasabi nito ang gulo ng eksplenasyon halatang mag kauri."
"May joker na naman, pratice what you preach kuya pls. kaibigan ko po yung GF niya for 11 years and grabe po talagang sakit ang binigay niyang nagpost na yan sa kaibigan ko. Ilang beses ding nagcheat yan at pinagbigyan siya. Di na niya kaya pagsabayin yung kaibigan ko at si ate mo gurl. kaya iniwan niya yung 11 years ayun mas may peace of mind na siya db? tama nga naman. Salute po senyo, tunay po kayong idolo nameng mga chismosa."
Base sa post at komento ng mga netizen, MORAL LESSON maging responsable muna tayo bago mag post para hindi tayo ma bash.