FollowLike

Netizen, Nagbabala Sa Mga Kapwa Magulang Tungkol Sa Mga Sanggol Nilang Natutulog Na Nakadapa

Pinaalalahanan ng isang ina ang mga kapwa magulang na may anak na sanggol sa pamamagitan ng pagpopost niya sa socmed. Kinilala ang netizen na si Venussa Dungo.

Sa isa niyang post noong ika-26 ng Pebrero, nagbigay babala siya tungkol sa Sudden Infant D3ath Syndrome o iyong SIDS.

Ito ay ang hindi maipaliwanag na biglaang pagkamatay ng mga sanggol, isang taon pababa. Kadalasan daw itong nangyayari sa kalagitnaan ng pagtulog ng mga sanggol, sa mga oras bandang alas-dose ng madaling araw hanggang alas nuwebe ng umaga. Hindi ito madaling mapansin sapagkat walang paghihirap na maririnig mula sa sanggol na nakaranas nitong SIDS.

Ayon kay Venussa, nagbahagi siya sa kaniyang 'Day' o 'Story' sa socmed nang may nagreply na Fb friend niya rito.

Sinabi nitong bantayan niya raw ang kaniyang baby kapag nakadapa itong matulog. Dito nga ay nagsimula nang ipaalam ng naturang Facebook friend ang tungkol sa Sudden Infant D3ath Syndrome at kung paano maiiwasan ang mga ito.


Narito ang buong post ni Venussa:

"GRABE 'TO!!!!

"Nagmyday kase ako ng picture ng baby ko na natutulog ng nakadapa. Then may nagreply sa myday ko na facebook friend. Sobrang makakatulong to sa mga moms out there na hindi aware sa Sudden Infant D3ath Syndrome aka SIDS."




"Wag nating sanayin mga baby naten na natutulog ng nakadapa especially ages less than one year. IWASANG ITABI SA PAGTULOG. WAG TATABIHAN NG KUMOT, UNAN O EXTRABG MGA BAGAY. MAKE SURE NA MAKADIGHAY (BURP) AFTER MAGDEDE. WAG MASYADONG BALUTIN ANG BABY. PATULUGIN ANG BABY NG NAKATIHAYA. WAG MASYADONG BALUTIN ANG BABY, THEY MAY OVERHEAT."


إرسال تعليق

أحدث أقدم