Hindi maitatangging maraming mga Pilipino ang nais na magkaroon ng sariling National ID dahil na rin sa pangangailangan ng Valid ID na maari nilang magamit sa pag-aapply sa trabaho, kung kaya naman marami ang nagtanong sa prosesong ginawa niya upang magkaroon nito.
Ang Philippine Identification System ID (PhilSys ID) o tinatawag ding Pambansang Pagkakakilanlan ang opisyal na National ID card para sa mga Pilipino.
Kamakailan lang, isang netizen ang nag-viral matapos ibahagi ang natanggap nyang National ID kung saan ibang-iba raw ang kaniyang litrato dahil nagmukha raw siyang 55 anyos dito.
Noong nakaraang taon daw, mayroon daw nag-house-to-house census sa kanilang lugar. Binigyan daw sila ng papel bilang patunay na tumuntong na sila sa unang hakbang nang pagpapagawa ng National ID. Iyon din daw ang kanilang dadalhin upang makatuntong sa pangalawang hakbang.
Nag-anunsyo lamang daw ang kanilang Local Government Unit (LGU) sa Facebook page ng mga ito kung kailan at saan gaganapin ang interview para sa pangalawang hakbang. Matapos daw nito, naghintay na lamang sila kung kailan na ito puwedeng makuha. Hindi niya raw alam ang mga prosesong ginagawa ng kanilang LGU.