FollowLike

Mahilig Ka Bang Kumain Ng Adidas (Paa Ng Manok)? Dapat Niyo Itong Malaman


Ang pagkain ng paa ng manok ay maaaring hindi gusto ng iilang tao, ngunit ito ay isa sa mga pinakamasarap na pagkain sa maraming Asian countries katulad ng Pilipinas, China, Korea, at Vietnam.

Mayroon ding mga recipes sa mga lutong paa ng manok sa iba pang parte ng mundo katulad ng Trinidad, Jamaica, ibang mga lugar sa South America, at South Africa.

Ang pagkain ng paa ng manok ay isang maganda at mahusay sa balat. Ang paa ng manok ay mayroong collagen base sa pag-aaral ng Department of Animal Science of National Chung-Hsing University sa Taiwan. Ang collage ay kilalang sangkap para sa pagkakaroon ng magandang balat.

Ang paa ng manok ay isa ding magandang alternatibo para sa collagen. Ang kadalasang pinagmumulan ng collagen ay sa marine fish, baboy, at bovine, ngunit, ito at masyadong mahal.


Ang paa ng manok ay hindi lamang mayaman sa collagen ngunit ito din ay magandang pinagkukunan ng chondroitin sulfate at hyaluronic acid. Ang chondroitin sulfate ay maganda para sa osteoarthritis kaya naman ito ay makakatulong para sa mga taong may problema sa kanilang kasukasuan habang ang hyaluronic acid naman ay maaaring makatulong upang maiwasan ang epekto ng pagtanda.

Narito ang ilang benepisyo na maaari mong makuha sa collagen:

* Mas malusog at mas bata na balat.
* Mayaman ito sa protina at calcium, nang walang carbohydrates.
* Pinapahusay nito ang pag-supply ng dugo sa pamamagitan ng pagpapalakas ng daluyan ng dugo.
* Tinutulungan ang katawan sa pagme-metabolize ng mga taba kung kaya't ito ay mabuti kung gusto mong magbawas ng timbang.
* Pinapabagal nito ang epekto ng arthritis.

Ang ibang collagen o kaya naman collagen supplements ay talagang mahal ngunit bakit mo pa kailangan gumastos ng mahal kung mayroon kang mababang presyo na alternatibo para dito.

Para matamo ang mga benepisyo sa collagen sa paa ng manok, maaari mo itong gamitin sa broths, soups, at kahit anong uri ng pagluluto.


Ang paa ng manok ay mayroong tendons, balat, at buto, ngunit wala itong muscles. Ito din ay maroong collagen, calcium, cartilage, protein, at trace minerals. Ito din ay makakatulong sa pagkakaroon ng magandang joint movement upang i-minimize ang sakit sa kasukasuan at arthritis.

Ang paggamit ng paa ng manok sa iyong sabaw ay maaari na kaagad makatulong sa kalusugan ng iyong kasukasuan imbis na bumili ng mga supplements na mayroong glucosamine at chondroitin.

Narito ang preparasyon kung paano lutuin ang paa ng manok:

1. Hugasan ang paa ng manok ng mabuti.
2. Kuskusin ito gamit ang asin para mawala ang dumi.
3. Pagkatapos, banlawan ang paa ng manok ng kumukulong tubig sa loob ng tatlong minuto.
4. Hayaan itong lumamig bago mo alisin ang mga dilaw na lamad sa paa.
5. Tanggalin ang dulo ng mga kuko gamit ang kutsilyo o gunting.

Para sa recipe ng mga paa ng manok sa Chinese dim sum, ang paa ay naka-marino sa toyo, black beans, at iba pang pampalasa. Ang nakakatuwa dito ay paghuthot sa buto at matamasa ang sauce o juice nito. Ito ay talagang masarap kung ito ay luto at na-marino ng maayos. Tanggalin ang maliliit na buto sa iyong bibig at magpatuloy sa iba pang mga paa ng manok.


Para naman sa recipe ng paa ng manok sa Mexico, bini-breaded muna nito ito saka niluluto, ang malambot na panlabas na balat na ito ay kinakain, ngunit ang natitirang bahagi ng paa ay naiiwan at hindi na kinakain.

Kung ang paa naman ng manok ay ginagamit para sa sabaw, maaari mong kainin lahat ng bahagi nito maliban sa buto.

Kung ito naman ay iniihaw, tulad ng sa mga pagkaing Pilipino o "adidas," maaari mong kagatin ang balat at kainin ito katulad ng drumstick.

Madali ka na lamang makakahanap at makakabili ng paa ng manok kung ikaw ay nakatira sa Asia o sa ibang bansa na ang paa ng manok ay isang pinakamasarap na pagkain.

إرسال تعليق

أحدث أقدم